Baka maiyak ka nang slight ‘pag pinanood mo ‘to

by Sankage Steno

Hindi ako agad nakatulog pagkanood ng Kimi no Na wa (Your Name) kagabi. Ang tagal na niyang nasa Facebook timeline ko pero kagabi lang ako nagkaroon ng time para panoorin s’ya.

Time.

So funny. Kung gusto mong malaman kung bakit natawa ako sa ‘time,’ panoorin mo na. Kung last year, pinilit ko ang lahat na manood ng Heneral Luna, this year, eto naman. Hindi ka naman siguro na-disappoint sa Heneral Luna, hano? At kailan ba ako nagrekomenda ng pangit?

Kaya nga di ko ni-recommend yung pangulo natin ngayon noong eleksyon e.

Wew! Naisingit pa rin yung pulitika. Tongama ‘yan.

Anyway, naiyak ako sa Your Name. Taragis ‘yan. Pero ito yung magandang iyak, hindi yung ngalngal o hagulgol na walang ka-poise-poise. Yung akin, I stifled a tear. Grabe, pigil na pigil talaga yung luha ko kasi, wala lang. Ang corny kung makikita mo ‘kong umiiyak dahil sa isang cartoon… or anime.

Saka nasa kwarto yung mama ko at kapatid ko. Baka pagtawanan lang ako ‘pag nakita akong namumugto yung mata o nagpupunas ng pisngi.

Fan na talaga ako ni Makoto Shinkai. Kung di mo s’ya kilala, s’ya yung sinasabing bagong Hayao Miyazaki ngayon sa Japan. Pero, syempre, unfair naman kay Shinkai kung magiging anino lang s’ya ni Miyazaki. E ang galing-galing n’yang magkwento, saka visually stunning yung mga gawa n’ya.

Try mo rin yung Garden of Words. Tingnan natin kung di ka ma-amaze sa ganda ng animation.

Itong Your Name, simple love story lang s’ya na boy meets girl. Pero damn! Ang tindi ng storytelling, pati yung visuals. Konting spoiler, isa s’yang time-travel, body-swap, disaster, drama, romance, mindfuck animated movie. Grabe talaga, as in! Best movie na napanood ko ngayong taon. At anime s’ya!

Ang huling animated film yata na nakapagpaiyak sa akin e Inside Out. But it’s on a different league. Hindi mo s’ya maikukumpara sa Your Name dahil iba talaga. Kung may similarity sila, yun e baka manalo rin ng Oscars itong gawa ni Shinkai. Just like Miyazaki’s Spirited Away.

Grabe ang mga Hapon, ang galing gumawa ng kwento. Ang lalim. May hugot. Saka pinapakita talaga nila yung kagandahan ng kultura at mga tanawin sa bansa nila. Para tuloy gusto kong pumunta ngayon din sa Itomori at sa Tokyo. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng pelikulang ito.

Parang Barber’s Tales at Norte: Hangganan ng Kasaysayan.

Kaya bago pa ‘ko makapagsabi ng spoiler dito, panoorin mo na. Meron sa timeline ko, hanapin mo kung friend kita sa Facebook. Kung hindi naman, i-search mo lang sa Facebook o Google yung Kimi no Na wa o Your Name. Pramis, di mo pagsisisihan.

At least tatlong kaibigan ko na ang nagpasalamat sa akin personally dahil pinost ko yung anime na ‘yon sa timeline ko. Never pang me nag-chat o nagpasalamat sa ‘kin dahil nagandahan sila sa movie na pinost ko sa Facebook. Ngayon, kung mali ako at di ka magandahan, I’m sure magagandahan ka.