Usap tayo about sex

by Sankage Steno

Around 7 AM nagsisiuwian yung mga sex worker sa red light district dito sa Makati. Alam na alam ko ‘yon kasi araw-araw akong dumadaan do’n ‘pag papasok sa trabaho. And, no, never pa ‘kong nagbayad para sa sex. Ba’t ako magbabayad kung pwede namang libre?

Ehem.

Dahil lagi kong nakikita yung mga prostitute na pauwi galing sa magdamagang pagkayod, lagi ko ring sinasabi sa sarili na balang araw e susulat ako ng magandang kwento tungkol at para sa kanila—the oldest profession in the world. Naks.

Well, it seems the day has come. Kanina, habang naglalakad papasok sa trabaho, bigla akong sinampal ng inspirasyon sa mukha. May nakita kasi akong dalawang pokpok na nag-aabang ng taxi at saka ko naisip yung kwentong isusulat ko para sa kanila. Kaya ngayon, kating-kati na ‘kong simulan s’ya.

Pero may happy problem ako.

Ang dami ko kasing sinusulat ngayon. Nagsusulat ako sa trabaho, pati rito sa blog, tapos may dalawa pa ‘kong projects na tinatapos. Kung idadagdag ko pa ‘tong bago kong project na naisip, baka sumabog na yung utak ko. Kawawa naman ang Pilipinas, mawawalan na naman ng isang matalino at gwapong nilalang.

Ayokong mangyari ‘yon.

Sa dami ng sinusulat, binabasa at iniisip ko araw-araw, bigla-bigla na lang akong nilalagnat o mina-migraine minsan. Kaya lagi na ‘kong nagbabaon ng ibuprofen at paracetamol ngayon. E kung madaragdagan pa, gudlak na lang talaga sa ‘kin. How I wish meron akong ulo o katawang di tinatablan ng sakit. I really need a philosopher’s stone right now.

Isa pa, naisip kong mas maganda kung graphic novel o komiks yung gagawin ko para sa naiisip kong kwento tungkol sa mga sex worker. E hindi na ako magaling mag-drawing. Kinalawang na yung drawing skills ko dahil nag-focus ako sa pagsusulat, pagpapatalino at pagpapapogi.

You can’t have it all, you know.

Ang gusto kong mangyari, makikipag-collaborate ako sa isang artist o illustrator. Ang kaso, wala syempreng bayad muna. Hindi pa nga sure kung may publisher na magkakainteres sa story na ‘to, let alone kung makakagawa nga kami ng magandang graphic novel. Itong project na ‘to e balak kong ituring for now na isang hobby hanggang maging profitable in the future.

E sino naman ang willing makipag-collaborate na artist sa ‘kin, di ba? Ang liit kaya ng sweldo ng mga artist/illustrator. Pa’no kung me pamilya pa s’ya o balak mag-asawa? Wala na ngang pera, wala pang time. How I wish hindi ko pinabayaan yung skill ko sa pagdo-drawing. I could really use a philosopher’s stone right now.

Baka gawin ko na lang simpleng narrative prose kapag wala akong nakumbinseng artist. Ang worry ko lang, baka magmukhang Xerex o tabloid story kapag walang graphics. I’m not saying pangit s’ya, pero I want more. I want the best for this story. Para ito sa mga masisipag nating pokpok sa bansa.