Mali ang gamit mo ng ‘independent’

by Sankage Steno

Nakita ko kagabi si Martin Andanar sa EDSA Shangri-La hotel habang nagtsatsaa kasama ang mga kaibigan ko. Dahil dito, napunta ang usapan namin sa politics. Nagkataon din namang may reader ng blog kong nagtanong kung ano raw ang masasabi ko sa “independent” foreign policy ni Duterte.

First, see title.

Base sa matabil n’yang bunganga, ang gusto talagang sabihin ni Duterte e “less dependence” sa United States at hindi “independent foreign policy.” Kapag sinabi mo kasing ‘independent,’ malaya ka sa kontrol ng pwersang banyaga o yung hindi ka aasa sa kahit sinong authority.

E bakit hinihimod niya ang puwet ni Xi Jinping ngayon?

Nangangahulugan lang ito na mas gusto n’yang sandigan ang China (at Russia) kesa sa US (at European Union) na matagal na nating kaalyado hindi lang sa seguridad, kundi pati sa ekonomiya at kalakalan.

Duterte and other administration officials have talked about an “independent foreign policy.” But thus far all we know is that this means (at least rhetorically) less dependence on the United States and more diversification with other players.

How much of that diversification ends up going to China, as opposed to other actors like Japan, which he has also been engaging with some promise, remains to be seen (See: “Philippines-Japan Defense Relations Under Duterte: Full Steam Ahead?”).

Pero tama si Agot Isidro sa sinabi niya kamakailan lang, “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.” Kung hindi ka sang-ayon sa pahayag na ito, fanatic o apologist ka ni Duterte. Aminin mo na. At hindi kita gusto.

Bakit tama si Agot? Kasi nga, inaaway mo yung matagal mo nang kaibigan at para saan? Para kampihan yung nambu-bully sa ‘yo? Ang baliw lang, di ba? Pwede ka namang makipag-ayos sa nambu-bully sa ‘yo nang hindi inaaway yung matagal mo nang kaibigan.

It’s completely possible to make new friends, make them better friends than older friends, but you must not cut off your friendship with those who are already your friends because, as I said, we must lead to a world that is more cooperative, more closely connected. – Duterte ally and former president Fidel V. Ramos.

Bilang economic superpower na ang China ngayon, naiintindihan ko ang kagustuhan ni Duterte na gatasan ito upang mapakinabangan natin. Ang laking tulong nga naman ng pondong manggagaling sa China sa pagpapagawa ng rehab centers, tren at riles, mga kalsada at kung anu-ano pa.

Pero sabi ko nga, hindi mo kailangang awayin ang ibang kakampi kung gusto mong makipagkaibigan sa kaaway mo. Sa bilis kasi ng bunganga ni Duterte, nalilimutan niyang mas malaking pera ang ipinapasok ng mga dati na nating kaalyado kumpara sa China na ipinagbawal pa nga ang pagbili ng saging galing sa atin.

Kung ipagpapatuloy ng pangulo ang pakikipag-away sa US, baka hindi lang mga sundalo ang i-pull out nila. Baka pati mga BPO companies e bawiin nila at ilipat sa Vietnam o India. Siguradong bababa ang ekonomiya natin.

The country can pursue its independence without squandering its hard-earned, advantageous relationships with other countries. The government’s new stance must be calibrated to ensure that it does not compromise the administration’s ten-point plan and the Philippines’ overall economic security.

Ang pinakanakakatawa sa lahat, walang ibang bukambibig si Duterte noon at ngayon kundi ang war on drugs na para bang ito ang pinakamalaking suliranin ng bansa. Malaki s’ya pero hindi ang pinaka. Mas matindi pa rin ang problema natin sa kahirapan at, posible, sa traffic.

Kung seryoso ang pangulo sa kanyang war against drugs, bakit s’ya kumakampi sa China na numero unong pinanggagalingan ng droga? Di ba sa bunganga na mismo n’ya nanggaling na ang mga drug lord ay nasa China? Baliw, di ba?

Under Mr. Duterte, foreign policy has acquired an emotional dimension and a sense of passionate obligation it did not have in previous administrations. But, any effective shift in policy would need the support of a committed constituency.

Sa palagay ko, tumatanaw ng utang na loob si Duterte sa China (na ang tsismis ay pinondohan ang kanyang kampanya) at kay Arroyo (na mas pabor ang foreign policy noon sa China, pero di niya inaway ang US).

Paniwalang-paniwala rin siya siguro na mas yayaman pa ang China at bibiyaan nila tayo ng yamang ito basta balewalain lang natin ang pagkapanalo sa Permanent Court of Arbitration at isuko ang buong West Philippine Sea.

As usual, tama na naman ako sa sinulat ko noong Abril dito.