Sa tamang panahon daw

by Sankage Steno

Nakaka-inspire ‘tong pagkapanalo ni Bob Dylan ng Nobel Prize for Literature. For the record, di kami close. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga kanta n’ya at sa buhay n’ya. Ngayon lang ako nakakapagbasa-basa dahil nga nanalo s’ya.

Sa maikling nabasa ko, noong 1960s pala s’ya sumikat talaga. At kahit yung pagkapanalo n’ya ngayon, sa dekadang ‘yon nagre-refer para ipaliwanag kung bakit deserving s’ya sa parangal.

Dylan became synonymous with the 1960s generation in no small part due to his anthem “The Times They Are A-Changin’.”

Foreshadowing the decade’s burgeoning youth culture and political turbulence, Dylan wrote the song in 1963 just after the landmark March on Washington catalyzed the civil rights movement and he offered an early live performance of it after John F. Kennedy’s assassination.

Imagine, after five decades, saka lang siya na-recognize ulit sa mga nagawa n’ya. Well, for sure sikat na s’ya kahit noon pa, pero parang yung Nobel ang pinakamalaki n’yang achievement at yung tatatak sa history ng mundo. I mean, kita mo, binabasa ko s’ya ngayon.

Which reminded me of Higgs Boson. Ito kasing particle na ‘to, dinescribe na ni Peter Higgs noong 1960s, pero di s’ya pinansin ng mga scientist kasi walang makapag-prove ng existence ng nasabing particle. Turns out, masyado palang advanced itong si Higgs.

Noong March 14, 2013, kinumpirma ng mga scientist sa CERN yung existence ng Higgs boson. Ngayon, kasama na ito sa 17 particles ng Standard Model of physics.

Amazing, di ba?

The Higgs boson is named after Peter Higgs, one of six physicists who, in 1964, proposed the mechanism that suggested the existence of such a particle.

On December 10, 2013, two of them, Peter Higgs and François Englert, were awarded the Nobel Prize in Physics for their work and prediction (Englert’s co-researcher Robert Brout had died in 2011 and the Nobel Prize is not ordinarily given posthumously).

Bob Dylan and Peter Higgs are two men ahead of their time.

Inspiring, ‘no? It doesn’t matter kung walang maka-appreciate ng ginagawa mo sa ngayon. Malay mo, balang araw, saka makita ng mga tao ang kahusayan o kabutihan mo. Hopefully di ka pa patay pagdating ng panahong ‘yon para naman makinabang ka sa pinaghirapan mo.

So the moral lesson here is so palasak na, “Never give up on your dreams.” Kung ayaw mo n’yan, eto na lang: “Try and try until you succeed.” Kung gusto mong pakanta, “Don’t stop believin’, hold on to that feelin’.” O para may hugot, ipasok natin si Aiza: “Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako.”