Puro lang kuda, wala namang demanda

by Sankage Steno

Bakit ba gustung-gusto ni Kabayan Rep. Harry Roque na maparusahan si Sen. Leila De Lima dahil sa koneksyon diumano nito sa drug trade sa New Bilibid Prison? Wala namang malinaw na ebidensya. Di ba abogado s’ya? Ba’t di n’ya kasuhan si De Lima? Grabe lang ang pagkabalimbing ni bakla. Pag-untugin ko pa sila ni Sen. Dick Gordon e.

Note: Don’t think I’m being sexist dahil tinawag kong ‘bakla’ si Atty. Roque. Think of it as a nigga calling another nigga ‘nigga’.

Going back, inaprubahan na ng mga kongresista natin yung committee panel report sa ginawang imbestigasyon sa nasabing drug trade sa Bilibid. At, balita ko, walang rekomendasyon para kasuhan o idemanda si De Lima. Bakit kamo?

Kasi nga wala namang malakas na ebidensya. Puro sabi-sabi lang.

Ganun din yung opinyon ni Ramon Magsaysay awardee at Ombudsman Conchita Carpio Morales. Kulang daw ang lead para maglunsad sila ng sariling imbestigasyon laban sa senadora. And I quote, “Everything is just an allegation so far. There is no lead that will prompt us to initiate an investigation.”

Pumapalakpak na siguro yung mga tenga ni De Lima ngayon. And I’m happy for her. Alam mo kasi, kung totoong may koneksyon s’ya sa ilegal na droga sa Bilibid noong Justice secretary pa lang s’ya sa administrasyon ni P-Noy, dapat noon pa s’ya dinemanda ni Vitaliano Aguirre. Dapat noon pa s’ya kinasuhan ni Atty. Roque.

E kaso nga wala. Obvious namang demolition job lang ang ginagawa nila dahil iyon ang gusto ng pangulo—ang mapabagsak si De Lima. At bakit nga ulit?

Dahil si De Lima lang ang may bayag para kontrahin ang pangulo.

Well, at least sa mga senador, s’ya lang ang may balls. Pero marami pang babae ang mas may bayag kesa sa mga pulitiko natin. Of course, and’yan si Agot Isidro. Nariyan din si Etta Rosales na dating chair ng Commission on Human Rights. Of course, ‘wag din nating kalimutan si Vice President Leni Robredo.

Itong si Robredo, mahinahon lang at madiplomasya, pero kung mapapansin mo sa mga statement n’ya, kinokontra n’ya minsan ang pangulo. Hindi naman madalas. Syempre, suportado pa rin n’ya ang kanyang boss. Pero hindi s’ya takot na magbigay ng taliwas na opinyon o paniniwala kahit pa nagkikita sila sa mga Cabinet meeting.

I’m so proud of these women. Sana dumami pa ang katulad nila.