Bakit pinirmahan ko ang petisyon para i-shut down ang Mocha Uson blog

by Sankage Steno

Because freedom of speech is not absolute.

Kapag nasa loob ka ng sinehan at sumigaw ka ng “Sunog! Sunog!” kahit wala naman talagang sunog—tapos nagkagulo, nagka-stampede, may nasaktan, may namatay—hindi mo pwedeng gamiting depensa ang “freedom of speech.”

At dahil nasabi mo na, and the damage has been done, hindi mo na pwedeng i-censor yung taong sumigaw. Huli na rin para sabihin mo sa ibang nasa loob ng sinehan na “Uy, don’t panic!” o kaya e “‘Wag kayong maniwala. Hindi pa verified kung may sunog nga. Hintayin muna natin ang fire alarm.”

Sa kaso ni Uson, siniraan na niya si P-Noy, si Mar Roxas, si VP Leni Robredo, si Sen. Leila De Lima, si Agot Isidro at marami pang iba. Makailang beses na rin niyang ginamit ang kanyang blog para mag-post ng fake news, fake info at kung anu-anong conspiracy theories para ma-brainwash ang mga followers n’ya.

May nasaktan na ba? Emotionally, psychologically, marami na. May namatay na ba? Wala pa. Pero yung critical thinking at yung logic, in a way, oo sa maraming tao. (Nate-tempt din akong idamay yung mga biktima ng EJK sa war on drugs, pero that’s stretching it a bit too far.)

Para sa isang advocate ng free speech, alam kong kaipokritohan ‘tong ginawa ko. That may be true and I’m sorry. I won’t hide the fact that I might have committed a mistake here. Ayoko rin namang may magpetisyon para i-shut down ‘tong blog ko dahil di sila sang-ayon sa mga sinasabi ko rito.

But here’s another way of looking at it: Kaipokritohan din ba na meron tayong MTRCB na nagdedesisyon kung ano ang bawal o pwedeng ipalabas sa telebisyon at sa mga sinehan? Na meron tayong batas sa libel at sa cybercrime na pwedeng magkulong (hindi lang basta censorship) sa mga taong may mapanirang speech?

You see, kung kaya ni Uson gumamit ng democratic tool (blog/Facebook) para magpalaganap ng kasinungalingan at para manira ng ibang tao, anong pipigil sa ibang tao para gumamit din ng isa pang democratic tool (Change.org) para naman patahimikin s’ya? Parang quid pro quo. Or giving her a dose of her own medicine.

It only goes to show that democracy is not perfect.

Also, may pakiramdam akong hindi naman tatalab ang petisyon sa Change.org para maipasara nang tuluyan ang blog ni Uson. Panakot lang ba. Pero kung tumalab man s’ya, well, revenge is a dish best served cold.

At least hindi s’ya makukulong.