‘Wag na tayong umasa sa impeachment

by Sankage Steno

Pwede raw ma-impeach si PDuts dahil sa paglabag n’ya sa Konstitusyon, sabi ni Associate Justice Antonio Carpio. Pwede raw kasing ituring na treason ang pagbabalewala n’ya sa claims natin sa West Philippine Sea at sa halos pagbibigay ng teritoryo natin sa China.

Kung iisipin mo nga naman, yung nakuha nating $24 billion worth of loans at pangakong investment ay walang-wala kumpara sa $46 billion na nakuha ng Pakistan mula sa China noong 2015. At sobrang katiting lang ito kumpara sa $180 billion estimated gas reserves worth na pwede nating mapakinabangan sa Reed Bank.

Pero kahit pa matuloy ang impeachment trial, hindi ako umaasang mapapatalsik si PDuts. Sa huli kasi, pagkatapos ng imbestigasyon at palabas ng mga mambabatas natin sa harap ng camera, botohan pa rin ang mangyayari. At sa dami ng kaalyado ng pangulo sa Kongreso, malayong bumoto sila laban sa kanya.

Ano pa ang pwedeng mangyari maliban sa impeachment?

Kung papakiramdaman nating mabuti ang AFP, nakikita kong marami sa mga senior officers ang tutol sa pagkalas ng pangulo sa United States, sa pagsuko n’ya sa West Philippine Sea, at sa pagpapalaya n’ya sa mga komunista at political prisoners. Samakatuwid, di malayong maglunsad sila ng coup o kaya naman ay tumiwalag sa pangulo.

After all, ang loyalty nila dapat ay sa bansa at sa Konstitusyon, hindi sa kanilang pangulo o commander-in-chief.

Pero mahirap kapag nag-aklas sila o magkaroon ng rebelyon. Siguradong bubulusok ang ekonomiya natin at baka maraming inosenteng buhay ang madamay. Pwede ring mag-escalate ito sa isang civil war. Mas malaking problema iyon, sa tingin ko, kumpara sa bunganga ni PDuts at sa kanyang pabagu-bagong isip, sa ngayon.

Kung di rin mabisa ang pag-aaklas ng mga sundalo, posible rin naman ang assassination plot ng CIA at ang plan B ng Liberal Party. Pero di ako naniniwala sa dalawang ito. Creative imagination lang s’ya ni PDuts at ng mga tauhan n’ya.

Ang pinakamagandang dapat gawin ngayon ni PDuts e tapalan n’ya yung bibig n’ya at makinig sa payo ng kanyang mga kaalyado na bawasan ang pagsasalita ng mga walang kwentang bagay. Pero dahil sarili lang ang pinapakinggan ng pangulo, at dahil may problema siya sa pag-iisip, mukhang di rin ito tatalab.

Ang nakikita kong pwedeng gawin ay isailalim ang pangulo sa Infinite Tsukiyomi o i-seal ang kaluluwa n’ya para di na makapanggulo. Pero kahit Sankage ako, ayokong gawin ‘yon dahil mahirap at kailangang magsakripisyon ng buhay. Ayoko rin namang manahimik na lang at hayaan s’yang mag-self destruct. Ayoko rin yung payo ng mga supporters n’ya na manalig lang sa kanya.

Ano s’ya, diyos? Ulol.

Ang nakikita kong sagot ay nasa China at US. Nasa kamay nila ang susi para mapatahimik si PDuts. Ipapaubaya ko na lang sa creative imagination ninyo kung paano mangyayari iyon. Basta walang kinalaman dito ang assassination o pivot-pivot to somewhere else. Think, mga ka-DDS!😀