Landi Mode

by Sankage Steno

Ang sarap sa pakiramdam na tapos ko na ang isa kong personal project for this year, at least yung first part. Ie-edit ko pa s’ya, pero saka ko na gagawin ‘yon. Palilipasin ko muna ang ilang araw bago ko ulit s’ya balikan.

At dahil tapos na ‘ko sa aking pet project, isa lang ang ibig sabihin nito: Pwede na ulit akong um-aura! Hahaha!

Actually, nasimulan ko na s’ya last Friday night. Dahil confident akong matatapos ko na yung project ko this week, hindi na ‘ko tumanggi nang magyaya yung kaibigan ko. Ayun, successful naman yung gabi ko. Andami kong nabingwit na isda. Andami ko ring nainom. Kaya ang saya-saya ko lang.

Nakatatlong Red Horse lang naman ako nung Biyernes, saka isang baso ng Jack Daniel’s at isang bote ng Tanduay Ice. Saktong tama lang. Nakilala ko pa naman yung mga taong na-meet ko nung gabing ‘yon at naalala ko pa yung lahat ng pinagsasabi at pinaggagawa ko. Hihi.

Natuto na ‘ko sa karanasan ko last year na hindi ako kumain ng hapunan, deretso inom agad. Ayun, patay. Nagising na lang ako sa condo ng kung sinong “friend.” Wala akong maalala. Puro tunog lang. Ang gago ko talaga. But I’m still alive and kicking. Nakaka-aura pa more! Salamat sa friend ko na ‘yon. Hahaha!

Grabe, andami kong tawa. Ganito ba kapag pinagsabay mo ang Red Label at kape sa office? Lol. Buhay na buhay ang dugo ko. Baka nga hindi talaga ako yung nagsasalita ngayon e. Baka alcohol. Or caffeine. Or both. Tangina ‘yan. Gudlak sa atay ko.

Hello, liver-loverboy!❤

Anyway, bago ko pa maisiwalat ang lahat ng escapades ko rito, titigil na ‘ko. Baka masabihan na naman ako ng TMI ng mga kaibigan ko. Hahaha! I’m so sorry. Masaya lang talaga ako ngayon dahil nga tapos na yung project ko at libreng-libre na ulit yung katawan ko, este, yung time ko.

If you want to hang out with me, just let me know. XOXO