Remember, remember the 8th of November

by Sankage Steno

Tatlong taon na ang nakalilipas, pinatay ni super typhoon Yolanda ang libu-libong Pilipino. Ngayon naman, sa parehong araw, pinatay ng Korte Suprema ang hustisya para sa libu-libong biktima ng martial law. At kung mamalasin lalo, bukas (Nov. 8 sa US) ay mananalo pa si Donald Trump.

Para linawin, hindi ako galit sa Korte Suprema sa pagpayag nitong mailibing ang mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Mas nagagalit ako kay Duterte at sa mga kaanak ng diktador sa pagsusulong na ilibing si Marcos sa LNMB kahit matagal na s’yang nananahimik sa Ilocos Norte.

Naiinis din ako sa 16 milyong bumoto sa ating pangulo. Lahat kasi ng hula kong mangyayari kapag si Duterte ang nanalo, natupad na. (Click here for reference.)

Pero nand’yan na ‘yan. Pumayag na ang Korte Suprema. Nasa kamay na ni Duterte kung itutuloy ang paglilibing kay Marcos sa LNMB. Go signal na lang n’ya ang hinihintay.

Sana naman hindi ‘to maging tulay para maluklok bilang pangalawang pangulo si Bongbong. At lalong sana hindi ‘to maging dahilan para malimutan natin yung mga paglapastangang ginawa ng diktador sa mga Pilipino.

On the contrary, nakikinita kong lalong magiging pursigido ang mga Pilipino para ituro sa mga bata ang malagim na katotohanan noong panahon ng martial law. Please, Sec. Briones, sana e ituloy n’yo na yung pagdadagdag ng martial law atrocities sa curriculum ng basic education.

Nananawagan din ako sa mga miyembro ng NPA na kung maaari ay pasabugin n’yo rin ang libingan ni Marcos kapag naihimlay na s’ya sa LNMB tulad ng ginawa n’yo sa bust n’ya sa Benguet. Pero kung mahihirapan kayong makapasok sa Metro Manila, ayos lang naman.

Sa iba ko na lang ipapagawa.