Soshal porn ng ina mo sa Apocalypse Child

by Sankage Steno

Due to hype, pinanood ko kagabi sa Gateway Mall yung Apocalypse Child na sinulat at dinirek ni Mario Cornejo. Ang ganda ng cinematography c/o Ike Avellana at ng music c/o Armi Millare of Up Dharma Down. Ang husay rin ng pagganap nina Sid Lucero at Ana Abad-Santos (na mga beterano sa Theater). Kahit si Gwen Zamora mahusay. Pero bakit di ko nagustuhan yung pelikula?

Simple lang: Wala s’yang backbone. In other words, pangit yung kwento.

Para sa akin na hindi naman filmmaker o film critic, masasabi kong yung pelikula e isang glorified MMK episode. Lahat dinaan sa kuda, sa daldalan, at hindi sa gawa. Nalaman mo yung conflict dahil sinabi ng character, at na-solve din yung conflict dahil nag-sorry yung mga bida.

Tangina lang. Very MMK talaga.

Lumabas ako ng sinehan at umuwi at nakatulog na inis na inis at para bang dinaya ako ng direktor o ng writer ng pelikula.

Ang malala pa, habang naiisip ko s’ya, lalo kong nakikita yung mga flaws. Like, for example, ripoff s’ya ng Y Tu Mamá También, ang 2001 Mexican drama film na dinirek at sinulat ni Alfonso Cuarón.

Nag-umpisa rin s’ya sa all-out sex, as in kita lahat, to give you that shock value na karaniwan sa mga indie film. Pinasosyal lang yung sex scenes dahil nga maganda yung kuha ng camera at mga ingglisero’t ingglisera yung mga nagkakantutan. Pero all in all, it’s still poverty porn, which characterizes much of our sub-par indie movies.

Feeling ko, naisip ng writer-director yung kwento nang minsang magbakasyon s’ya sa Baler, na s’ya ring setting ng pelikula. Nagpunta s’ya sa museum ng nasabing bayan, natuto nang kaunti at pinagtagpi-tagpi yung nalaman n’ya sa isang script, sinamahan ng sangkaterbang surf at sex scenes, and voila! ayan na yung “indie film” n’ya.

Tanggalin mo yung surfing, tatayo pa rin yung film. Tanggalin mo yung Baler at ilipat sa ibang beach, mabubuhay pa rin yung movie. Tanggalin mo yung sex scenes, buo pa rin yung “kwento” ng pelikula. Bakit? Kasi nga wala namang kwenta yung kwento.

Para s’yang thesis project ng isang UP Film student na hindi nakakuha ng Best Thesis Award pero pinilit pa ring gawin yung pelikula n’ya dahil bilib na bilib s’ya sa sarili.

Well, hindi ako bumilib. Inantok at nabwisit ako sa pelikula. Ang layo n’ya sa Donor, Heneral Luna, Barber’s Tales, Norte: Hangganan ng Kasaysayan at iba pang magagandang pelikulang Pilipino na hindi pilit ang pagpapaka-artsy.

Kung nagandahan ka sa Apocalypse Child, good for you. Hindi ko ipagkakait sa ‘yo ‘yan, pero kailangan ko lang sabihin na hindi ako sang-ayon sa mga review na pumupuri sa nasabing pelikula. Oo, ako na ang lugi, pero at least I’m telling the other truth.