Itaas ang hinlalato sa mga tarantadong hunghang

by Sankage Steno

Sa mga aktibista, journalist, taga-UP at nabuhay noong panahon ng martial law na bumoto kay Duterte, sana masaya kayo sa desisyon ng Korte Suprema na payagang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Alam n’yo noong kampanya pa lang na posibleng mangyari ito, pero binotohan n’yo pa rin s’ya.

Kasalanan n’yo ‘to.

Kasalanan n’yo rin kung bakit pinalaya si Arroyo, kung bakit sinuspinde ang warrant of arrest kay Misuari, kung bakit sinuko ang ating teritoryo sa China, kung bakit bagsak ang piso at ang stock market, kung bakit maraming pinapatay na Pilipino, at kung bakit nababalewala ang rule of law sa bansa.

Ano nga ulit ang tawag sa mga taong alam na ngang masama, alam na ngang mali, alam na ngang makakasakit pero ginawa pa rin? Tanga. Tanga kayong lahat kahit pa may pinag-aralan kayo.

Tangina n’yong lahat.

Itinataas ko naman ang aking dalawang hinlalato kina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza at Estela Perlas-Bernabe. Mas pinili n’yo talagang umanib sa malagim na panig ng kasaysayan? Gitnang daliri pa ulit.

At isang naglalagablab na putong ama sa pangulo ninyong tumanggap ng pera kay Imee at nangakong ipalilibing si Marcos sa LNMB.

Sa halip na isulong ang pagbabayad ng danyos sa mga biktima ng martial law para makamit ang hustisya, lalo pa n’yang pinalaki ang sugat na kanilang natamo noong madilim na yugto na ‘yon sa ating kasaysayan. Nasaan ang healing na sinasabi n’ya?

Anong susunod na mangyayari ngayon? Papabor ba ulit ang mga “kagalang-galang” na hukom sa mga Marcos at hihiranging pangalawang pangulo si Bongbong? Tapos bababa sa pwesto si Duterte para palitan ng anak ng diktador? Bakit di n’yo na rin kaya iluklok sa matataas na pwesto sina Misuari at Sison?

Nakakagagong maging Pilipino ngayon dahil sa inyong lahat. Sana hindi kayo patulugin ng konsensya n’yo… kung meron man kayo no’n, mga tarantadong hunghang.