Traffic sa EDSA

by Sankage Steno

Kung nagbabalak kang dumaan sa EDSA mamayang hapon at gabi, asahan mo na ang matinding traffic. Lahat ng protestang nakatakda ngayong araw sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ay nagpasyang magsama-sama mamayang 3pm sa People Power Monument sa may White Plains.

Kung hindi mo naranasan ang People Power Revolution tulad ko noong 1986, ito na ang pagkakataon mo para maging bahagi ng panibagong rebolusyon laban sa parehong diktador.

Pero kung kampi ka sa mga Marcos at pabor ka sa biglaang libing ngayong araw, ito lang ang masasabi ko sa iyo:

Tangina ka.

Sa mga hindi naman makakadalo, huwag mo na lang bastusin ang mga magpoprotesta. ‘Wag kang magalit sa kanila kung maabala ka ng matinding traffic. Karapatan nila/natin iyon at kapakanan mo rin naman ang ipinaglalaban nila/namin kahit di mo pa naiintindihan nang lubos.

Uulitin ko lang ang sinabi ni VP Leni Robredo:

Once again, we strongly condemn the burial of the former dictator in the Libingan ng mga Bayani. As stated in several decisions from the Supreme Court, Ferdinand Marcos was a thief, a murderer and a dictator.

He is no hero. If he were, obviously his family would not have to hide his burial like a shameful criminal deed.

Muli, inaanyayahan kita bilang kapwa Pilipino na manindigan at sumama sa protesta mamayang alas-tres ng hapon sa People Power Monument sa EDSA. Kung makakapagsuot ka ng itim, mas mabuti. Ituloy natin ang labang sinimulan ng mga tunay na bayaning nauna sa atin.

Mabuhay ang Pilipinas.