Sinetch Itey? The #WitchikelsKangBayani Edition

by Sankage Steno

Sinetch itey na Hollywood B-movie actress ang nakipag-jerjer at humada sa isang powerful otoko na nagpakilala bilang “Fred”?

Ayon kay B-movie actress, pinangakuan daw s’ya ng powerful otoko ng movie na may title na “Maharlika,” pero ang trulalu, balak pala talagang gawing mistress ni Fred itong si B-movie actress. Dahil di natuloy ang movie ni gerlalu, imbey na imbey s’ya. Kaya nagpa-presscon s’ya at inispluk ang secret affair nila ni Fred.

To prove their sexcapades, nag-play si B-movie actress ng recording nila ni powerful otoko habang nagje-jerjer. Hear na hear ang ungol ni Fred habang nagla-loving-loving sila. At bilang additional proof of purchase, nagpalabas din sa press si B-movie actress ng picture ng pubic hair at junjun ni powerful otoko.

Getchingbels n’yo na ba kung sinetch sila?

Cluelabels: Ang pangalan ni B-movie actress ay pareho ng initials ni David Bowie. At ang powerful otoko namang nagpakilalang “Fred” ay same initials ni Freddie Mercury.

***

Sinetch itey na feeling Queen Bee pero ang trulagen ay laki sa Pureza Station talaga?

Sa sobrang pagkajirits ni feeling Queen Bee sa kanyang past, pinilit n’yang itago itey. Nakuha pa n’yang itatwa ang kanyang Queen Mother na itago na lang natin sa pangalang DRT Highway.

As part of feeling Queen Bee’s mega deny of her Pureza Station past, ginamit n’ya ang kanyang fez value para akitin itong si powerful otoko. At nang mag-nyosawa na sila, mega splurge na itong si feeling Queen Bee gamit ang anda ng mga utaw. Why? Kasi nga super deprived s’ya noong bagets s’ya.

One time, nag-fly sila sa New York at pina-closure ni feeling Queen Bee ang mga mahaliang stores doon para solo shopping si mother! Umabot lang naman sa $2 to 4 million ang nagagastos n’ya kada shopping.

At nang matsugi na sila sa kanilang palasyo, na-reveal to the nth level of levels ang Cinderella complex ni feeling Queen Bee nang ma-sight ng mga utawchi ang kanyang collection of at least 3,000 pairs of shoes!

Getchingbels n’yo na ba kung sinetch itey?

Cluelabels: Ang feeling Queen Bee na itetchiwa ay may initials na I.M. As in I M Purita Mirasol.

***

Sinetch itey na crescent moon ang junakis daw ng powerful otoko at feeling Queen Bee pero super layo sa fezlak ng kanyang mudra ang hitsura?

Ayon sa chika ng mga utaw, junakis daw s’ya sa labas ni powerful otoko na kilalang malibog at na-link sa isang gerlalu na Hollywood B-movie actress. Hanggang ngayon ay quiz paper pa rin kung sinetch ang trulagen na mudra ni crescent moon.

Kilala si crescent moon sa kanyang pagka-imbyerna sa isang Mapuan na itago na lang natin sa pangalang Eureka! Nagtanong kasi itong si Eureka! about sa leadership ni crescent moon sa mga bagets. Wiz na-like itey ni crescent moon, super imbyerna s’ya. Kaya, ayun, the next day, na-Yari Ka! si Eureka! Tsugi bye-bye!

Getchingbels n’yo na ba kung sinetch itey?

Cluelabels: Si crescent moon ay isang separada at kapangalan/ka-initial ng kanyang mudra na si feeling Queen Bee. Therefore, I M Not Sorry.

sinetch-itey

Advertisements