Sa nag-iisang matapang na Mapuan na kilala ko

by Sankage Steno

Kung isa ka sa mga fact-resistant Mapuans, naging estudyante ko man o hindi, ito lang ang masasabi ko sa iyo: Fact you!

Kung nagagalit ka sa mga nagpoprotesta kay Duterte at kay Marcos dahil sa panakaw na paglibing sa diktador sa LNMB dahil “naabala ka sa traffic” o dahil naniniwala kang “wala na namang magagawa, move on,” itinataas ko ang hinlalato ko sa mukha mo.

Ubos na ang pasensya ko sa iyo kaya titigil na ‘ko sa pagiging nice at ipapamukha ko na sa ‘yo ang iyong kabobohan.

Ipapaalala ko lang na ang kalayaang tinatamasa mo ngayon ay hindi libre. Binayaran ‘yan ng dugo ng mga tunay na bayaning pinadukot, pinapatay at/o tinorture ni Marcos at ng mga galamay n’ya. Kung malaya kang nakakapag-Facebook ngayon, kung malaya kang nakakapagreklamo, kung malaya kang nakakagala sa gabi, magpasalamat ka sa mga biktima ng martial law.

Magpasalamat ka kay Archimedes Trajano na pinapatay ni Imee Marcos dahil lang sa nagtanong s’ya sa forum nito. Nagtanong lang! Ikaw nga kahit puro kabobohan pinagsasasabi mo sa Facebook, buhay ka pa rin. Ang pinakamasakit lang na nakuha mo ay ang pagsasabi ko sa ‘yo ng “Bobo!”

Mahiya ka naman sa kapwa mo Mapuan na ‘yan na nagbigay lang ng isang inosenteng tanong, tapos hinuli na, tinorture at pinatay ng mga sundalo ni Marcos. Utang mo sa kanya kung bakit hindi ka dinadakip, tinotorture at pinapatay sa tuwing magsasabi ka ng negative sa Facebook.

Tapos sasabihin mo naabala ka sa traffic? Move on? Hindi namin alam ang ipinaglalaban namin? Na wala namang nagagawa ang mga rally?

Utang na loob! Ang bobo mo po.

Kung ga’no kalaki ‘yang tuition mo sa Mapua, s’ya namang kinaliit ng utak mo. Hindi ka ba nag-aral ng Kasaysayan noong grade school? E noong high school? E noong college? Hindi ka ba kumuha ng History courses sa SLHS? Pa’no ka nakapasa sa kabobohan mong ‘yan?

Sa susunod na pagtawanan at bastusin mo kaming mga nagpoprotesta, sa susunod na ipamukha mo ang mga nagawa ng putongamang diktador na ‘yan (na tungkulin naman talaga n’ya at binabayaran pa natin), at sa susunod na sabihin mong “Move on!” (kahit wala kang karapatan dahil hindi ikaw ang biktima), paulit-ulit kang makakatikim sa ‘kin ng malutong na “Bobo!

P.S.
Patawad, Archimedes Trajano. English ang itinuro ko sa Mapua, hindi History. Ang dami tuloy bobo at apathetic na Mapuan sa school mo.