Naka-unlirage ako, mga ulol!

by Sankage Steno

May isa na namang bobo at bayarang (BB) troll ang nag-comment kanina sa blog na sinulat ko noong September 2014 pa (Bakit hindi dapat ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani). Eto ang banal and belligerent comment na sinabi n’ya:

Bakit hindi nyo magawang mapatawad ang mga nagawa nya (Marcos) noong sya ay nabubuhay pa lamang. sige [wag] kayo sumakay sa LRT, wag kayo dumaan sa EDSA, wag kayong pumunta o mamasyal sa san juanico bridge, at yung mga iba pa niyang nagawa, tapos wag na kayong TUMIRA dito sa PILIPINAS, masyado kayong JUDGE MENTAL, bakit kayo meron na ba kayong nagawa dito sa BANSA NATIN!!! ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYO MAGSALITA!!! BAKIT BUHAY NA BA KAYO NOONG NAMUNO SI MARCOS SA BANSA!!! DI BA HINDI PA!!!

Normally, yung mga matatalinong tulad ko e dededmahin na lang ‘to dahil nakakabobong tunay. Pero dahil nasa “Post-Truth” era na tayo at lalong dumadami ang BB trolls, hindi na pwede ang basta na lang palampasin ito. Kailangan nang umaksyon at makibaka.

Hinimay ko ang comment ng nasabing BB troll at sinagot isa-isa bago s’ya sabihan ng “ULOL!” sa dulo. Ginawa ko ‘yon hindi para maliwanagan s’ya. Ang mga BB troll ay fact-resistant at beyond redemption na. Ibig sabihin, kahit anong paliwanag ang gawin mo, kahit hainan mo sila ng facts and truth, hindi nila ‘yon tatanggapin.

So bakit ko nga pinatulan?

Pinatulan ko ang comment ng BB troll hindi para itama s’ya kundi para suportahan ang paniniwala ng mga katulad kong nakasandig pa rin sa katotohanan at para sa mga taong nasa limbo, o yung mga nalilito pa kung ano ang totoo at hindi. Sila ang dahilan kung bakit patuloy akong pumapatol sa mga BB troll.

And, of course, gaya ng motto ng isa kong org noong college, I’m “biased for truth.”

Kung hahayaan ko kasi ang kabobohang comment sa blog ko, kung hindi ko sila sasagutin, puro kabobohang tunay na lang ang magiging laman ng blog ko. Puro iyon ang mababasa ng mga tao, lalo na yung mga madaling maimpluwensyahan.

Kapag di ko kinontra ang mga BB troll, lalo silang dadami.

Unfortunately for you, BB trolls, mas matigas at mas mainit ang ulo ko sa inyo. Kung walang humpay kayo sa paghahasik ng kabobohan at kasinungalingan sa internet, forever’s not enough para supalpalin ko kayo nang wagas! Echoing Mike Enriquez, “Hindi ko kayo tatantanan!”

Malas n’yo na lang dahil nasa pagsusulat at pag-iisip ang talento ko. Idagdag mo pa na ang core emotion ko ay Anger kaya hinding-hindi talaga ako mauubusan ng gasolina sa pagpapamukha sa inyong mga BB troll kung ga’no kayo kabobo. Oo, naka-unlirage ako, MGA ULOL!