Huy, bes, hanggang kelan ka magpapakaulul?

by Sankage Steno

So binoto mo si Duterte bilang pangulo kasi naniwala kang #ChangeIsComing kahit wala naman s’yang kaplano-plano sa bansa? Tapos binoto mo rin si #VPLeni kasi gusto mong may “pambalanse” sa kagaguhan ni Digong?

Now let’s begin the vote-shaming dahil ayaw mo pa ring magsisi at saka papasok na tayo sa anim na buwan ni Duterte sa pwesto. (May gahd, six months pa lang ‘yon?)

I-assess natin kung bakit napakalaking pagkakamali ang ginawa mong pagboto kay Duterte (kahit di ka naman Dutertard at kahit graduate ka pa ng UP o ibang magandang paaralan).

You can stop reading right now kung ayaw mong masaktan.

Alam mong Gago ka, wala pang anim na buwan sa pwesto si Duterte pero nalampasan na n’ya si Marcos sa dami ng Pilipinong pinatay ng mga pulis at vigilante groups dahil sa putanginang war on drugs na ‘yan. Nasa 3k plus lang si Marcos sa buong 21 years ng pamumuno n’ya. Si Digong? Malapit na sa 6k… and counting.

Alang-alang sa mga buhay na nawala at sa mga mahal sa buhay nilang naulila, tangina mo pong Ulul ka.

Alam mong Hindot ka, kumpare ni Digong si Peter Lim na drug lord sa Cebu. Hinuli ba n’ya? Pinapatay ba n’ya? Hinde. Asan s’ya ngayon? Nakakulong ba? Hindi rin. Ayun, nagpapakasarap sa ibang bansa habang patuloy na kumikita ang drug business n’ya at patuloy na pinapatay ang mga maliliit na drug user at pusher.

At sino nga ulit ang nag-utos kay Bato na ibalik sa pwesto si Supt. Marvin Marcos (Ang hilig n’ya sa mga Marcos, ‘no?) na s’yang pumatay kay Espinosa sa loob ng kulungan at itinuturong protector ng drug lords sa Visayas? Ang pangulo mong mamamatay-tao. Sino ngayon ang biggest drug lord protector sa bansa?

Amen. Si Digong.

Muli, alang-alang sa mga buhay na patuloy na nasisira dahil pinapawalan ang mga drug lord ng inyong pangulo, kingina mo pong Tarantado ka.

Kilala mo si Gloria Macapagal-Arroyo? Yung namuno sa bansa ng siyam na taon (Hello, Garci?)? Yung unang nagbenta ng teritoryo natin sa China? Yung sangkot sa NBN-ZTE deal at plunder sa PCSO case? Asan na nga po s’ya ngayon?

Ayun, malayang-malaya na. Wala na ang neck brace at wheelchair ni madam. Kongresista na, deputy speaker pa. Ang sayang maging magnanakaw sa Pilipinas, ‘no? Hindi na nga nakukulong, nabibigyan pa ng pwesto sa gobyerno.

Pagkatapos makalaya ni Arroyo (at Enrile), sinong susunod? Si Bong Revilla? Lahat ng mga rebelde? Lahat ng mga komunista?

Dahil ginusto mong patawarin ang mga may sala sa halip na pagbayarin sila sa kanilang mga kasalanan, pisting Yawa ka.

At ngayon, natupad na ng pangulo mo ang pangako n’ya sa mga Marcos na ilibing ang diktador sa LNMB. Masaya ka na ba? Di ba binalaan na kita tungkol dito? Nakinig ka ba? Hinde.

Susunod na ang pagluluklok kay Bongbong bilang bise presidente. Heto nga’t nagawa na n’yang mapag-resign si Leni sa kanyang gabinete. Di na ‘ko magugulat kung sa isang taon e bago na ang VP natin. Di ba sa kanya na rin nanggaling ‘yon nung nagpunta s’ya sa China para ibenta ang teritoryo natin sa West Philippine Sea?

O, susuportahan mo pa rin ba ‘yang binoto mong diablo? Ganyan ka ba talaga katanga? Ang hirap lunukin ng pride, ‘no? Pero di imposible. Oh well, Ukininam mo po forever.

 

Advertisements