Spread the hate

by Sankage Steno

I performed a simple social experiment last night to prove my hypothesis, which states that Filipino netizens are negative, corrosive and hateful beings. Actually, matagal ko na s’yang ginagawa, pero kagabi ko lang na-formalize dahil, wala lang, kagabi ko lang naisipang i-formalize.

The research design and methodology were quite simple. Nang-troll lang ako sa comment section ng mga balita tungkol kay VP Leni Robredo, Bongbong Marcos at Rodrigo Duterte using two distinct comments, isang positive at isang negative. Tapos, inobserbahan ko yung magiging reaction at reply ng ibang commenters.

Ang una kong pinang-troll na comment ay ito:

ANG BOBO NIO POH KAUNG LHAT N MGA GLIT KY ROBREDO. WLA KAU ALAM KUNDI MGPKATUTA KY TAENANG DIGONG NIO, MGAULUL! DPAT SENYO KINKAPON. JEJEJE! KINGINA NIO PO MGAGAGO! #PROTECTVPLENI #LENIISOURVP #DUTERTERESIGN

As expected, negative din ang naging reaction at reply ng mga netizen sa negative comment ko na ‘yan, although may mangilan-ngilan namang natawa at na-gets yung “joke.” May isa o dalawa namang sumuporta sa akin at nakipag-away sa mga commenter na umaway sa akin.

Ang ilan sa mga negative comments nila ay “KING INA MORIN ADIK TARANTADO GAGO!”, “May alam ka ba na lugaw na masarap? Kain na lang kayo kawawa huhu..”, at “TROLL PA MORE HAHA! XD”. May nagpadala rin sa akin ng private message para murahin ako at akusahang troll, which is true naman sa case na ito.

Ang sunod na comment na pinang-troll ko ay ito: “We ❤ you, VP Leni! #ProtectVPLeni

Sa halip na makakuha ng mas maraming suporta o positive comments, kabaligtaran ang nangyari. Mas nangibabaw pa rin ang negative at hateful comments sa sinabi kong ‘yan.

Ang ilan sa mga sagot nila ay eto: “#LabanLeni kpang nlalaman e dakilang troll ka nman. ulol! wag ako. kayo kayo nlang ngttanggol sa LP mga dakilang troll”, “She’s FIRED!!! NOT RESIGN .. Because she is #FakeVp Nyahahahahahahahaha #FakeLugaw ang #SayaSaya bwahahahahahahaha” at “KULTONG DILAW UTAK TAE.”

Dahil dito, lalo kong napatunayan ang pagkahibang ng mga supporters at followers nina Duterte at Marcos. Talagang mahusay ang kanilang makinarya dahil nagawa nilang gawing weapon ang social media.

But I’m having hasty generalizations here. Sobrang daming limitation at weakness ng experiment ko na ‘yan, so don’t use it for scientific purposes. Katuwaan lang. Kung gusto mong ma-prove ang results ko, gawin mo rin. That’s how science works. Naks.

Implications: Kahit gaano ka kabait sa social media, aawayin ka pa rin ng mga trolls kaya LABAN! Pero nasa sa ‘yo na ‘yan kung gusto mong maging nice forever.

As for me, susundin ko si Jesus Christ. Sabi nga n’ya sa Matthew 10:34, “Do not suppose that I have come to bring peace to the earth. I did not come to bring peace, but a sword.

Advertisements