Ang tunay na Plan B

by Sankage Steno

Nag-post ako sa Facebook about the person that made a change in my life this 2016. Ang sagot ko, politics-wise: #VPLeniRobredo.

At totoo naman. Kung hindi kasi tumakbo at kung hindi nanalo si Leni, si Bongbong Marcos na sana ang pangalawang pangulo natin. At kung siya ang VP at si Digong ang pangulo, di malayong maisakatuparan ang original nilang plano noong 2013 pa lang.

Alam mo ba kung ano ‘yon?

Ayon sa aking mga bubuwit at sa aking sariling pagsisiyasat, ang Plan A talaga ay gawing pangulo si Digong at manalong VP si Bongbong. Kapag nangyari ito, magre-resign si Digong due to health reasons at, siguro, dahil na rin sa katandaan. Mag-aala-Pope Benedict XVI s’ya, ganyan.

Automatically, kapag nag-resign ang pangulo, hahalili sa pwesto n’ya ang pangalawang pangulo. Si Bongbong dapat ‘yon. E dahil mahal pa rin ni Bathala ang bansa natin, hindi nangyari ‘yon at ang ipinanalo ng sambayanang Pilipino ay si Leni Robredo.

Nauwi ngayon sa Plan B itong magjowang Digong-Bongbong (GongBong).

Maliban sa electoral protest ni Bongbong sa Korte Suprema, may haka-hakang nakipagkita raw ang kampo n’ya sa dalawang SC Justices sa Romania. Nag-withdraw daw si Bongbong sa account nila doon (malamang ill-gotten wealth) bilang suhol sa mga hukom upang pumabor sila sa anak ng diktador at matanggal sa pwesto si Leni.

Noong nasa Beijing, China naman si Digong, ipinakilala n’ya si Bongbong sa mga naroon bilang susunod na bise-presidente ng Pilipinas kung mananalo ito sa electoral protest n’ya.

At nito ngang nagdaang araw, nagpa-text si Digong sa kanyang secretary para sabihan si Leni na huwag nang dumalo ng Cabinet meetings simula Dec. 5 (Monday). Dahil dito, napilitang mag-resign si Leni bilang head ng HUDCC. Ngunit bago pa ito mangyari, may mga post na sa pro-Marcos Facebook page na nagsasabing matatanggal na nga ang VP sa gabinete at “May bago na tayong VP sa isang taon.”

Now connect the dots.

Ito pa lang ang lumalabas sa traditional at social media. Ang di natin alam, may mga lihim pang plano ang loveteam na GongBong upang tuluyang mailuklok si Bongbong sa Malacañang. Sa katunayan, napapadalas na ang bomb threats sa Metro Manila. Di rin malayong gamitin ng GongBong ang mga protesta laban sa kanila upang lumikha ng “state of lawlessness” o “rebellion.”

Kapag pumunta ka naman sa pahina nina Mocha Uson, Thinking Pinoy at Sass Sasot, makikita mo ang pinaplano nilang mobilization para suportahan si Digong. Balak nilang maglunsad ng sariling “People Power” sa mga susunod na araw.

Huwag naman sana, pero baka dito magpasabog (literal) ang mga galamay ni GongBong ala Plaza Miranda. Ito ang magiging daan para maglunsad ng New Martial Law na siyang gagamitin nila para mapabilis ang pagluluklok kay Bongbong bilang pangulo ng Pilipinas.

Uulitin ko, sarili ko itong pagsisiyasat na galing sa mga nakuha kong impormasyon mula sa aking mga bubuwit at sa mga balita. Nakakatakot. Sabi nga ni Ombudsman Conchita, these are indeed “trying times.” But let me echo our VP:

This is not the time for fear. It is a time for conviction. It is a time for courage.

Advertisements