Unahin sina Digong at Bongbong sa death row

by Sankage Steno

Alam mo ba kung sino ang pinakasikat na Pilipinong napatawan ng death penalty? Hindi si Leo Echegaray. Hindi rin sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, o mas kilala sa tawag na Gomburza. Ito ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Firing squad, mga Indio!

E alam mo ba kung sino ang pinakasikat na tao sa mundo ang napatawan ng death penalty? Actually, debatable ito dahil pwede s’yang tao at pwede rin s’yang diyos. Yep. S’ya ay walang iba kundi ang tagapagligtas at ang mesiyas… si Jesus Christ.

Although maganda naman ang kinahantungan ng pagpatay sa kanila (naging mitsa ng rebolusyon ang pagbaril kay Rizal sa Luneta at nailigtas naman sa kasalanan ang mga tao nang ipako si Hesus sa krus), gusto n’yo ba talagang pumatay ng mga bayani at mabubuting tao?

Sa Pilipinas, kung tatanungin ang pangulo at ang mga mambabatas natin, isang dumadagundong na “Oo!” ang sagot nila. Impak, gusto pa nga nilang babaan ang edad ng criminal liability sa 9 years old. Lintik ‘yan. Ibig sabihin, pwede na ring mabitay ang mga bata kapag muling naisabatas ang death penalty.

Merry Christmas, mga Indio!

Ngayon, kung hindi mapipigilan ng Senado ang panukalang batas na ito, iminumungkahi kong unahing ilagay sa death row si Digong at ang jowa n’yang si Bongbong. Seryoso! Di ako nagbibiro. Karapat-dapat silang mahanay rito dahil lumabag sila sa batas.

Ayon sa death penalty bill na ipinasa ng Kongreso, ilan sa mga krimen na pwedeng patawan ng parusang kamatayan ay treason, plunder, criminal liability for planting evidence, murder at iba pa.

Sino nga ulit yung nagsabing nagpa-plant sila ng ebidensya noong prosecutor pa lang s’ya? Si Digong. Sino nga ulit yung nagsuko ng Panatag Shoal sa China? Si Digong (That’s treason). Sino nga ulit yung nagpapatay kay Espinosa at sa libu-libong pinaghihinalaang drug user at pusher? Si Digong.

At sino naman ang nagkamal ng bilyong piso noong martial law at hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasauli sa ating pamahalaan? Si Marcos. Oo, kasabwat si Bongbong dito dahil noong 26 years old pa lang s’ya, naging chair s’ya ng Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat). Ang kumpanyang ito ang isa sa mga naging conduit para mailabas sa bansa ang ill-gotten wealth nila.

Kung gusto talaga nating makamit ang hustisya at kung ipipilit natin ang pagbabalik ng parusang kamatayan, unahin dapat na bitayin si Digong at si Bongbong. Pili ka: lethal injection, firing squad o hanging?

Advertisements