Tagumpay ang pagpapasikat

by Sankage Steno

Huy, grabe, talk of the town pa rin ako sa office hanggang ngayon. Ang dami biglang friendly sa ‘kin. Samantalang prior to our xmas party, dedmahan lang kami sa pantry, sa CR at sa hallway. Pero after nila akong mapanood kumanta, nagbago bigla ang ihip ng hangin.

And I’m happy for that.

Mas masaya ako dahil hindi ako pumiyok! Hindi ko rin nakalimutan yung lyrics ng mga kinanta ko! Yehey! Partida kulang pa ‘ko sa practice n’yan.

Una kong kinanta habang nagdi-dinner sila e yung Minsan Lang Kita Iibigin ni Ariel Rivera. Dinedicate ko sa kanila yung song. Pero ang totoo, para lang s’ya sa crush ko sa office. Hihi. May kinantahan din akong matandang officemate. Buti game s’ya. Pero ang totoo, ini-imagine kong yung crush ko yung kinakantahan ko. Hihi.

Sunod kong kinanta yung Fight Song ni Rachel Platten. Bago ko kinanta, sabi ko, “This song is for my fellow activists.” Ang gusto ko talagang sabihin e “fellow anti-Marcos and pro-human rights advocates.” E ang haba kaya yun na lang sinabi ko kahit di naman talaga ako hardcore na aktibista. Nonpartisan pa rin kasi ako.

Ang sarap lang sa pakiramdam nung kusa kang pinalakpakan ng mga tao at hindi mo sila pinilit o sinabihan ng “Let’s give them a big round of applause.” E to think na kuripot pa naman tayong mga Pilipino pagdating sa palakpak. Kahit ang galing-galing na nung nag-perform, nahihiya tayong pumalakpak.

Bakit kaya?

Anyway, performing is a reward in itself for me. Sabi ko nga sa previous post ko, pasikat ako. Masaya akong nagpapakitang-gilas sa harap ng ibang tao kahit di ako professional performer. Makapal lang talaga ang mukha ko.

But the best part of the night didn’t come until matapos yung party na ako rin ang host. (O di ba? Ako na host, ako pa performer. Libre po ‘yan. All for the love.) Alam mo ba kung anong nangyari? Hulaan mo.

Clue: Hihi.

Oo! Pramis! Maniwala ka. Nakapagpa-picture ako kasama yung crush ko. Hahaha! Mamatay ka na sa inggit! Ako na talaga ang nagwagi noong gabing ‘yon kahit di ako ang nakakuha ng grand prize. (Nanalo naman ako ng powerbank.) It was a night to remember talaga, bes!

Bukod sa nakapagpa-picture ako kay Crush, nakasayawan ko rin s’ya sa dance floor. At bago siya umuwi, binigyan pa n’ya ako ng gift. Di ko na sasabihin kung ano ‘yon. Akin na lang ‘yon. Hahaha! Ang saya-saya ko talaga. I swear, ayaw maalis ng ngiti sa mukha ko. Todo-ngiti ako habang tina-type ‘to. Hihi.

Advertisements