May muling nagbabalik sa aking piling

by Sankage Steno

Naalala mo yung kwento ko last year tungkol sa faceless entity na laging nagpaparamdam sa aking kwarto at minsang nanggising sa ‘kin nang yugyugin n’ya yung kama ko?

Well, it’s back!

Grabe yung kilabot ko kaninang madaling-araw, pero sobra rin yung excitement ko nang malamang bumalik na s’ya. Kakaibang pakiramdam talaga. Nakakatakot na nakakatuwa. Me tawag ba sa ganung emosyon? Takot-tuwa combo: Tatu? Kotwa? Tutak? Wakot?

I’ll call it ‘wakot’ from now on.

Grabe, nakakawakot talaga yung nangyari sa ‘kin kanina! Nanaginip muna ulit ako about sa grupo ng mga taong di ko kilala, pero sa panaginip e parang kilalang-kilala ko sila. Nakaupo silang lahat sa sofa. Apat o lima yata sila, di ko na maalala. Basta nakatayo ako sa harap nila habang nagkukwentuhan.

Then, all of a sudden, nagsalita yung nakaupo sa gitna. Doon ko lang napansin nang husto yung detalye sa hitsura n’ya. Wala pala s’yang mukha, tapos may kung anu-anong nakakabit o nakatusok sa ulo n’ya na parang accessories. May mga beads o hikaw o kung ano man ‘yon. Parang ethnic mumu, ganyan.

Sabi ni faceless ethnic mumu, “Alam mo na kung bakit nandito ako.”

Doon ako nagising bigla. At pagkagising ko, automatic yung kilabot na gumapang mula ulo ko hanggang likod. Kasabay ng kilabot ko, naramdaman ko sa may paanan na may gumalaw. Alam mo yung pakiramdam na may nakaupo sa kama mo, tapos tumayo s’ya at umalis? Ganun yung naramdaman ko.

Pagtingin ko naman sa paanan ko, as usual, walang tao o entity. Pero yung eerie feeling, andun pa rin. Nakakawakot talaga.

Habang sinusubukan kong bumalik sa pagtulog, inisip ko yung sinabi ng faceless ethnic mumu sa panaginip ko: Alam mo na kung bakit nandito ako.

Madali ko namang naintindihan yung ibig n’yang sabihin. Hindi ko na isisiwalat dito kung ano ‘yon. Sa akin na lang ‘yon. But suffice it to say na yung mga pangyayari sa buhay ko last year nang unang beses na magparamdam si faceless entity ay parang nauulit ngayon. So it’s like saying “been there, done that” o “learn from your mistakes.”

Yes. Thank you for reminding me, Faceless.

http://img01.deviantart.net/2a26/i/2013/361/5/5/rise_and_shine_by_faceless_monster-d6zo83u.png

Advertisements