Pang-ASAP na performance

by Sankage Steno

Hindi pa rin maka-get over yung iba kong officemate sa performance ko nung xmas party namin last Friday. Understandable naman. Ako rin di pa maka-get over e. Nire-rewind ko pa rin sa isip ko yung dalawang kinanta ko. Hahaha!

Kanina kase, pinapalitan yung mga napunding ilaw sa office namin. Tapos bigla akong kinausap ni kuyang nagkakabit ng bumbilya. Sabi n’ya, “Ikaw ba yung kumanta nung christmas party?”

Biniro ko, “Di po ako ‘yon.”

“Ang galing mo palang kumanta. Parang ano e, yung sa ASAP. Sino nga ba yung singer na ‘yon?”

Hindi ko na nalaman kung sinong singer ‘yon. Pinutol ko na s’ya dahil, minsan, di ako sanay tumanggap ng compliment. Sabi ko sa ka-close kong officemate, “Wow, pang-ASAP na pala ako. Hahaha!”

“May hidden talent pala si sir,” sabi naman ni ateng tumutulong kay kuyang nagkakabit ng bumbilya. “Tatahi-tahimik si sir, magaling palang kumanta.”

“Dapat nasa ABS-CBN ka, sir,” dugtong ni kuya.

Ako naman, gusto ko nang matigil yung mga papuri (kahit nag-e-enjoy ako). Ang awkward kasi. Di ko alam kung paano yung tamang reaction. So dinaan ko na lang ulit sa biro. Sabi ko, “Oo nga e, da’t sa ABS ako nag-apply.”

Trivia: Nag-apply ako sa ABS-CBN bilang researcher noong fresh grad palang ako. Sa Myx Music Channel nila ako gustong ilagay. E ang kaso, P8,000 lang ang sweldong in-offer nila. Monday to Saturday ang pasok, on-call pa lagi. No way!

Nang matapos si kuya sa pagpapalit ng bumbilya, nahirapan pa rin akong makabalik sa trabaho ko. Hindi ako makapagsulat nang maayos kanina dahil kinikilig pa rin yung pwet ko. Hahaha! E sa natutuwa akong malaman na nasiyahan sila sa kanta ko, bakit ba? Di ko ipagkakait ito sa sarili ko.

At habang nagbubuhat ako ng sariling bangko, naisip kong hindi nga pala lahat ng performance sa ASAP e maganda. Meron ding mga pa-cute at nagli-lip sync lang. Nagdalawang-isip pa tuloy ako kung sarcastic si kuya kanina.

Alam ko namang hinde. Ang husay ko kaya nung Friday. Tina-try ko lang kung bagay sa ‘kin yung false humility. Apparently, hindi pala. Hahaha!

Advertisements