Lakas amats

by Sankage Steno

Inaantok ako. Dalawang oras lang yata tinulog ko kagabi. Pasado alas-tres na kasi ako umuwi galing sa housewarming/xmas party ng mga kaibigan ko. Masaya naman. Dami kong tawa. Nasabihan pa ‘kong, “Si Steno kasi napakalandi!”

Kung alam mo lang.

E andami ko ring nainom kagabi. Inumpisahan ko sa Red Label. Tikim lang muna. Tapos, nung dumating yung red wine, yun naman ang tinira naming magkakaibigan. Nang maubos na namin yung laman ng bote, balik kami sa Red Label. Di pa kami nakuntento. Nang maubos din ‘yon, XR 21 naman.

Alam mo ba yung XR 21 ng John Walker & Sons? Scotch whisky na 21 years old. Taena ‘yan. Konti pa lang yung naiinom ko, gusto ko nang magsayaw nang magsayaw buong magdamag. Sobrang daldal ko na rin. Kung anu-anong kayabangan na yung pinagsasasabi ko sa kanila.

Grabe, kahit lasing ako, ang yabang ko pa rin. Pero buti di ako basagulero o nanghahabol ng itak. Me kilala akong ganun e. Jusko. Katakot lang.

Pag-uwi ko sa bahay ng around 3:30 ng madaling-araw, plakda! Pagkahiga ko sa kama, tulog agad ako. Pero nakuha ko namang magbihis at magsulat sa aking journal. Oha? Kaya mo ‘yon? Eto pang mas matindi.

Nagising pa rin ako ng alas-sais, naligo at pumasok sa opisina. Kebs lang sa hangover. Panis! At kahit wala pang tatlong oras yung tulog ko, ang aga ko pa ring natapos yung mga sinusulat ko. Ikaw? Kaya mo bang magsulat o magtrabaho nang kulang sa tulog at may hangover?

Di mo kaya ‘yon. Ako lang me kaya no’n.

Eto nga’t buhay na buhay pa rin ako hanggang ngayon. Nakakapag-blog pa! O, bilib ka na ba sa ‘kin ngayon? Ikaw lang e. Aminin mo na kasi sa sarili mong idol mo ‘ko. Na gusto mo talaga ako at kunwari lang na naiinis ka sa ‘kin. Arte-arte ka pa d’yan. The more you hate, the more you love. Di ako lasing, ulul!

Advertisements