May gahd, I lab drags

by Sankage Steno

Adik pala ‘tong pangulo n’yo, ‘no? Hindi lang pala s’ya protector ng drug lords, drug addict din. Sa bunganga na n’ya mismo nanggaling na tumitira s’ya ng drogang mas malakas pa ang tama sa heroin o sa morphine.

Taena talaga ‘yang pangulo n’yo.

Fentanyl lang naman ang inaabuso nitong si Digong. Para sa iyong kaalaman, ang fentanyl ay isang pain killer, a strong synthetic opioid analgesic, na karaniwang ginagamit sa mga cancer patients. E sabi naman ng pangulo n’yo, wala raw s’yang cancer. Sobrang sakit lang daw ng spine n’ya kaya s’ya tumitira no’n.

Sabi mo e.

Kita mo ba? Opioid s’ya. Ibig sabihin, nakakaadik. Doktor na n’ya mismo ang nagsabing itigil na n’ya yung paggamit ng fentanyl dahil nga nalululong na ‘tong si Digong. E matigas ang ulo, ayun, tira pa rin nang tira.

Ang una raw kasing maaapektuhan, sabi ng doktor n’ya, kapag sumobra sa pag-inom ng fentanyl ay ang kanyang pag-iisip o cognitive ability. No wonder puro kagaguhan pinagsasasabi ng pangulo n’yo. Pati mga desisyon, puro kabaliwan din. E pa’no nga, adik sa fentanyl!

Ang dapat sa pangulo n’yo e i-tokhang na rin. Grabe, kung papatayin din s’ya ng mga pulis kapag “nanlaban” s’ya, that would be poetic justice. Unfair naman kasi sa napakaraming mahihirap at inosenteng biktima ng EJK at war on drugs na ‘yan. Tapos sasabihin ng adik n’yong pangulo, “collateral damage” lang sila?

Adik talaga.

Kung ganyang may iniindang sakit ang pangulo n’yo at nakadepende na lang s’ya sa gamot para makapag-function nang “maayos” (pero dahil nga inaabuso na yung fentanyl e apektado na rin ang kanyang cognitive ability), dapat na siguro s’yang mag-resign. Matanda na rin naman s’ya kaya dapat lang magpahinga na s’ya.

Ipaubaya na n’ya sa mas bata, mas malusog at mas matinong Pilipina ang pamumuno sa bansa. Kung talagang mahal n’ya ang Pilipinas, gagawin n’ya ito sa lalong madaling panahon. Pero kung adik talaga s’ya at lulong na sa fentanyl, we’re doomed. God save the Philippines.

Advertisements