BF na TL

by Sankage Steno

Effort talaga sa ‘kin ang mag-isip ng wish para sa exchange gift. Yun kasing mga gusto kong materyal na bagay, kaya ko namang bilhin, so bakit pa ‘ko hihiling, di ba? Baka pangit lang yung style o title na mabili ng makakabunot sa ‘kin. Yun namang mga sobrang mahal na gusto ko, syempre di pwedeng hilingin.

Pwede ko bang ilagay sa wish list ang sariling bahay at lupa?

The answer is yes, pero sino namang seseryoso dun, di ba? At kung me magbigay man sa akin ng bahay at lupa, baka di ko rin tanggapin. Ang point kasi ng exchange gift e equivalent exchange. So kung hindi ko kayang tapatan yung regalong bahay at lupa sa akin, malamang di ko rin s’ya pwedeng tanggapin.

Bukas kasi, may aatenan akong christmas dinner with some friends. E yun nga, may wish list ulit. Ayokong mag-wish kasi nga imposible namang makabili ng house & lot sa halagang P500 or less. Kaya wala akong sinabing wish. Bahala na yung nakabunot sa ‘kin. Pero dahil pinilit nila akong mag-wish, sinabi ko na lang ang tunay na hiling ng puso ko ngayon.

At iyon ay walang iba kundi boyfriend na true love. BF na TL for short.

Syempre joke lang yun, kaya natawa na lang yung mga kaibigan ko. Pero alam naman nating lahat na jokes are half-meant. Actually, full-meant. Yun lang talaga ang kahilingan ko ngayon sa buhay… maliban sa sariling bahay at lupa.

O, di ba? Ang hirap ‘pag ako yung nabunot mo sa exchange gift. Either matatawa o mabubwisit ka sa ‘kin. E kasi naman, kaya kong bumili ng libro, sapatos, damit, PS4, pagkain, plane ticket at kung anu-ano pang makakapagpaligaya sa akin momentarily. Bakit ko pa iaasa sa iba ‘yon? Sabi ko nga, baka pangit pa mapili nila. Sayang lang yung pera. Sana cash na lang.

Maa-appreciate ko naman kahit anong ibigay sa akin, basta ‘wag lang HIV o anything na nakakasakit o nakamamatay. Pero mas maa-appreciate ko syempre kung matutulungan mo ‘kong makahanap ng BF na TL ngayong Pasko. ❤

Advertisements