Sa Paskong darating

by Sankage Steno

Last week ko pa chineck yung magiging lagay ng panahon sa darating na Pasko. Maulan daw. Kaya nung mabalitaan ko kaninang may paparating na bagyo (Nina) at baka sa 24 o 25 daw mag-landfall, di na ‘ko nagulat.

Nang malaman kong magiging maulan, medyo nalungkot ako noong una kasi mahihirapan kako kaming lumuwas. Lagi kasi kaming bumabiyahe kapag Pasko papunta sa mga kamag-anak namin sa father side dito sa Makati. Pero after giving it some more thought, medyo natuwa na rin ako. Ibig sabihin kasi, hindi magiging mainit ang panahon. Kaya, makakapagsuot ako ng mapormang damit.

Balak ko lang kasing magsando at shorts sa Pasko. Pero ngayon, may layers na ang balak kong isuot. Sana lalo pang lumamig para makapag-jacket ako.

Nag-iimbak na rin ako ng maraming libro dahil mahigit isang linggo akong naka-leave sa trabaho. At dahil maulan, perfect magbasa habang humihigop ng mainit na tsokolate at kumakain ng kung anu-anong handa.

Confident naman akong hindi ako tataba masyado dahil mahilig akong maglakad. Ilang buwan na rin akong nagpapapayat para handa yung katawan ko sa matinding lamunan ngayong Pasko at Bagong Taon.

Maliban sa pagbabasa ng libro at pag-attend ng christmas parties, syempre hindi ko rin palalampasin yung pagkakataong magsulat nang magsulat. Hindi lang dito sa blog. Marami pa ‘kong writing projects na hindi ko nilalagay sa internet. Akin lang muna ‘yon. Saka ko na lang ishe-share… siguro ‘pag patay na ‘ko.

Pero bago ako mamatay, kailangan ko muna syempreng magka-love life. Yes, sa dinami-rami ng kuda ko sa post ko ngayon, eto lang talaga ang gusto kong tumbukin. Mas masaya kasi ang Pasko kapag may love life, although never ko pa naman s’yang naranasan dahil NBSB ako. Shet. Feeling ko minsan may mali sa akin.

But I’m not losing hope. Bisyo ko kaya ang pag-asa. At droga ko naman ang pag-ibig. Shet, ang corny ko na. (Baka ma-tokhang pa ‘ko. No!) Ganito ba kapag single ka for so long? I’m not sad or lonely, pero gusto ko nang magka-boyfriend.

Advertisements