Salunggit

by Sankage Steno

Kahit naman noong unang beses ko s’yang mapanood, di ako naiyak. May kumurot lang sa puso ko. At nung pinanood ko na s’ya sa big screen last Friday, same pa rin yung naramdaman ko, although mas na-appreciate ko yung visuals at sounds sa loob ng sinehan.

May bonus lang akong natanggap nang panoorin ko ulit yung Your Name. When I say ‘bonus’ I mean may isa pang kumurot sa puso ko maliban sa magandang kwentong napanood ko.

May nakita kasi akong sweet couple sa loob ng sinehan.

Actually, late silang dumating. Normally, maiinis ako sa mga ganung tao kasi nakakaabala. Pero that time, natuwa ako nang sobra. Ang bagal nilang maglakad. Ang bagal nilang umakyat papunta sa upuan nila. Ang bagal ng kilos at galaw nila. Kasi pareho na silang uugud-ugod.

Nagulat talaga ako nang mabaling yung atensyon ko sa kanila. Dalawang matanda. Mag-asawa, I suppose. Piniling manood ng Your Name. Isang animated film. Ang astig, di ba? Di ko alam kung sa’n nila nabalitaan yung movie. Kung may Facebook ba sila at nalaman nila doon o word of mouth o random selection lang. Wala naman kasing commercial yung film sa TV.

Natuwa ako dahil magkasama silang nanood ng romantic, animated movie. Natuwa ako kasi ang cute nilang tingnan. Natuwa ako kasi nalaman kong may forever. (Thank you, Lolo and Lola.)

Hindi pa natapos d’yan yung bonus ko. Pagkatapos ng film, nakita ko ulit silang dalawa. Naglalakad ulit nang mabagal palabas ng sinehan. This time, akay-akay ni lolo si lola habang bumababa. Ang tindi lang ng kurot sa puso ko. May inggit at lungkot at saya yung pakiramdam ko. Ano bang tawag sa ganung pakiramdam?

Salunggit? Combination ng saya, lungkot at inggit. Yes, salunggit na itatawag ko do’n. Nasalunggit ang puso ko nang makita ko ang dalawang matandang nanood ng Kimi no Na wa sa sinehan. And I think it’s a very positive emotion.

Advertisements