Faceless Dream

by Sankage Steno

Di ba nagbalik na yung faceless entity sa inuupahan kong kwarto noong isang linggo? Nagparamdam na naman s’ya sa ‘kin kaninang madaling-araw. At may development. Kinausap n’ya ako. (Or nagsalita s’ya. Di naman kasi ako sumagot.) Feeling ko tuloy nag-e-evolve yung sixth sense ko.

Commercial: Balikan ang nauna kong kwento rito.

Simple lang naman yung nangyari kanina. So natutulog ako nang mahimbing nang biglang naging all black ang paligid. Hindi naman ako natakot. Hindi ko nga alam na nananaginip ako e. Tapos, biglang may nagsalita. Di lang ako sigurado kung yung sinabi n’ya e “Hello” o “I don’t know.”

Pero feeling ko “Hello.” O, di ba? Ingglisero yung kaibigan kong “multo.”

Pagkasabi n’ya ng “Hello,” nagising ako bigla at gumapang na naman yung matinding kilabot mula ulo hanggang likuran ko. Hindi ko naman s’ya nakita at hindi rin naman bumigat yung pakiramdam ko tulad noong unang beses s’yang magparamdam sa ‘kin.

Commercial: Balikan ang kwento sa unang pagpaparamdam sa akin dito.

This time, medyo clueless ako kung bakit s’ya nagparamdam at kung bakit sinubukan n’ya ‘kong “kausapin.” Dahil ba magpapasko at gusto n’yang regaluhan ko s’ya? O baka dahil epekto ito ng pagbabasa ko ng The Sandman ni Neil Gaiman? I really don’t know.

Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan pa rin ako tuwing nagpaparamdam sa akin itong si Faceless Dream. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Mas takot pa akong makakita ng mga pulis ngayon dahil baka mapagkamalan akong adik at mapatay. Mas takot ako sa buhay kesa sa patay, pramis.

Pero natutuwa ako kasi nagsasalita na s’ya sa “panaginip” ko. Baka sa susunod, makakapag-usap na kami. Baka may hihingin s’yang pabor sa ‘kin. Willing naman akong tumulong basta hindi ko ikapapahamak at hindi ko pagkakagastusan nang matindi. After all, ang laki ng naitulong n’ya sa ‘kin. Isa na dun ang exciting experience na naikukwento ko sa mga kaibigan ko, gaya nung nangyari last year.

Commercial: Balikan ang super exciting na nangyari sa akin with Faceless dito.

Gusto ko lang humingi ng pasensya sa kaibigan kong entity dahil napangunahan ako ng kilabot at hindi ako nakapagsabi ng “Hi” o “Hello” man lang kanina. Pramis, next time, I’ll be braver. Kung gusto mo ng kausap, you know where to find me. Pakiramdam ko we’ll be very good friends.

Oh, and btw, Happy Pasko!

Advertisements