Bakit ang daming epal na pelikula sa SM?

by Sankage Steno

Nanood ako ng MMFF hindi dahil kay Mocha Uson kundi dahil magaganda ang pelikula ngayong taon at gusto kong suportahan ang pelikulang Pilipino. Ang problema nga lang, sa mga sinehan ng SM dito sa probinsya, palabas pa rin ang The Super Parental Guardians at Enteng Kabisote.

Isa pa lang tuloy ang napapanood ko, Die Beautiful.

Gusto ko sanang panoorin yung Ang Babae Sa Septic Tank 2 at yung Saving Sally, kaso mukhang pera ‘tong SM at yung mga producer ng mga nasabi kong nakakabobong pelikula na umeepal sa MMFF. Tangina lang.

Binigyan na nga sila ng earlier showing date, tapos ibabalik pa sa January, di pa rin pinagbigyan yung mga pelikulang kasali sa MMFF. Mas makapangyarihan pa rin talaga ang salapi at kabobohan. Tinutulungan na ngang tumalino yung madla, ayaw pa rin. E di sige, pakalunod kayo sa kamangmangan n’yo.

Ang ganda pa naman ng mga mensahe ng MMFF entries. Bukod sa entertaining, may malalim ka pang mapupulot.

Yun ngang Die Beautiful, ang swabe ng acting ni Paolo at ang daming feels. Ang dami kong tawa, ang dami ko ring kurot sa puso. At hindi lang ako ang nakaranas ng maraming feels. Kahit yung dalawang teenage boys na nakatabi ko sa sinehan, ang lakas ng halakhak.

Spoiler Alert: Don’t read beyond this point if you hate spoilers.

Nun namang rape scene ni Tricia/Paolo, pinapakiramdaman ko rin sila. Alam kong eye-opener sa kanila yung scene na ‘yon dahil naririnig ko yung mahihina nilang komento at medyo nasisilip ko yung nonverbal reactions nila. Siguro first time nilang malaman na pwede palang ma-rape ang isang “lalaki.”

Kaya bang ipakita ‘yon ni Vice Ganda sa mga pelikula n’ya? Kaya naman, pero ginagawa ba n’ya in an entertaining way? Oo, pero nakaka-offend. Itong Die Beautiful, nakakatawa at nakakapangmulat pero hindi nakaka-offend. Ang husay na nga ng acting ng mga artista, ang husay pa ng script at direction.

Ganun dapat ang paggawa ng pelikula. Mataas ang standard.

Sana lang tanggalin na ng SM Cinema at iba pang sinehan sa bansa ang mga pelikulang hindi kasali sa MMFF. My goodness, isang linggo lang naman ang hinihingi ng mga mahuhusay na pelikulang ito, ‘wag naman nilang ipagkait iyon. Ang dami namang araw sa taon para ipalabas yung mga nakakabobong pelikula nila.

Ngayon na nga lang ulit nagkaroon ng matatalino at mahuhusay na pelikula ang MMFF, eepal pa sila. ‘Wag ganun.

Advertisements