Homiliya para sa mga tagasermon

by Sankage Steno

Hindi ko nagustuhan yung Seklusyon, pero kung magagaling lang umarte yung lead actors (except Neil Ryan Sese na magaling naman talaga) na deakono, baka nagustuhan ko s’ya. Saving grace na yung ang gagwapo nila. Kung ako yung nasa Bahay Seklusyon at sila yung kasama ko, baka di na ‘ko lumabas dun forever.

Charot.

Technically, ang ganda ng pelikula. Gusto ko yung lighting, yung galaw ng camera, yung sounds at background music, pati yung mga setting. Sana lang talaga mahusay umarte yung mga bida. At sana mas inayos yung flow ng kwento. Nakulangan kasi ako. Promising pa naman.

Gusto ko yung idea na maraming alagad ng simbahan ang hindi naman talaga alagad ng diyos. Mga bulaang propeta lang. Ang dami kayang ganung pari (at pastor) sa totoong buhay. Mahusay lang magbasa ng bibliya pero di naman isinasabuhay ang tunay na mensahe nito.

Ang alam lang nilang gawin e magpalaki ng tiyan, magpayaman, makihalubilo sa mga mayayamang parokyano, mang-abuso ng mga batang lalaki, manghusga ng mga tao at magtago sa kanilang kumbento.

Tulad na lang ngayon, ang daming pinapatay na Pilipinong mahihirap dahil sa war on drugs na ‘yan, pero ang hina ng boses ng CBCP. May effort naman pero nakukulangan ako. Wala pa rin akong naririnig na mabigat na statement galing kay Cardinal Tagle. Duwag ba s’ya? O closeted supporter ni Duterte?

Naalala ko rin noong panahon ng kampanya. Ang daming mga pastor at alagad diumano ng simbahan ang nagpahayag ng suporta kina Duterte at Marcos. Mga anak ng… Di ba nila alam yung mga paglabag na ginawa nila sa karapatang-pantao ng libo-libong Pilipino? Yung mga pagpatay at pagnanakaw nila?

Sa katunayan, patuloy pa nga silang naghahasik ng lagim, pero tahimik lang ‘tong mga pari at pastor at iba pang disipulo raw ni Kristo. Baka nakakalimutan nilang si Jesus Christ e numero unong aktibista noong panahon n’ya. Kinondena n’ya ang lahat ng balikong gawi ng mga tao at ipinakita kung ano ang tama at nararapat.

Di ba nila kayang gayahin ang ginawa ng panginoon nila?

Nakakahiya naman kung puro sermon at pangongolekta lang ng donasyon ang kaya nilang gawin sa kanilang bokasyon. E kahit naman ako kaya kong magbasa ng bibliya, magsermon at mangolekta ng pera. Di mo naman kailangang mag-aral ng ilang taon para gawin ‘yon.

Alam kong may separation of church and state. Pero alam ko ring may karapatan silang magpahayag ng opinyon. At sana yung karapatang iyon e gamitin nila para tuligsain ang mga nakamamatay at mapang-abusong polisiya ng gobyerno tulad ng pagbalewala sa due process at pagkatay sa maraming inosenteng Pilipino.

Ngayon sila dapat mag-ingay, hindi kung kelan patay na ang mga parokyano nila.

Advertisements