R-30

by Sankage Steno

May bagong rating na ang MTRCB dahil sa pagpasok ni Mocha Uson bilang board member nito. Ang rating na ito ay tatawaging R-30, short for Rodrigo Duterte. Paano naman mabibigyan ng ganitong rating ang isang palabas?

Ang mga pelikula at palabas sa telebisyon na mabibigyan ng R-30 ay naglalaman ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Biro na akala mo ay joke lang pero totoo pala.
  • Pahayag na akala mo ay totoo pero biro lang pala.
  • Mga patayan na higit pa sa anim na libong katao.
  • Mga pulis na kalbo at mahilig magpa-presscon.
  • Mga pulis na namamaril ng mga sumusuko o nakakulong na suspek.
  • Paggamit ng gamot na mas malakas pa ang tama sa shabu at morphine tulad ng fentanyl.
  • Mga karakter na nangangako pero hindi naman tinutupad ang pangako.
  • Pahayag na may iba’t ibang interpretasyon o pakahulugan.
  • Sandamakmak na pagmumura tulad ng “Putang ina mo!” at “Fuck you!”
  • Pagsasabi ng “bayot” kahit siya naman talaga ang bayot.

Ang mga palabas na mabibigyan ng R-30 rating ay makakatanggap ng incentive mula sa pamahalaan tulad ng kaltas sa buwis, umento sa sahod ng production staff at libreng advertisement sa Mocha Uson Blog, Thinking Pinoy website, YouTube channel ni Mr. Riyoh at social media account ni Sass Sasot.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa rating na ito, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa MMFF ambassadress-singer-model-blogger-columnist-endorser-actress-MTRCB board member na si Mocha Uson.

Maraming salamat po.

Advertisements