Such a loser

by Sankage Steno

Natalo ako dun sa sinalihan kong story writing contest. Hindi pa naman ako sanay nang natatalo. Wuw! Feeling ko tuloy nagkaroon ng dayaan. Wuw!

Hoy, joke lang. Sanay naman akong tumanggap ng pagkatalo. Impak, mas madalas nga akong natatalo sa mga sinasalihan kong contest o kahit ano pang laban ‘yan. So alam na alam ko na yung pakiramdam ng binabalewala yung effort, sinasaktan at pinapaasa. May master’s degree na kaya ako d’yan.

Nagtataka lang ako kung bakit first at second places lang yung in-announce. Sa dami ng entries, walang deserving maging third? Alam ko pwedeng walang deserving sa top spot, pero third? Ayan po, lumalabas na ang pagka-bitter ko. Oo na, inaamin ko, umaasa pa rin akong makakasama sa top 3.

Ganun po ako kahayok sa pagkapanalo.

Well, akshuli, di naman. Mas hayok ako dun sa prize money. Yun talaga ang aim ko kung bakit ko s’ya sinalihan. Meron kasi akong nalalapit na trip. Dun ko balak gamitin yung pera kung sakali ngang papalarin. E hinde. Sorry na lang sa ‘kin. Umasa-asa pa kasi ako. Tanga lang. Ginagawang bisyo ang pag-asa.

Buti na lang may natira pa ‘kong pera sa 13th month pay ko. Laking tulong ng Sodexo. Di ako naglabas ng cash pambili ng mga regalo. Yey! Magtitipid na lang ako nang bongs para mairaos ang trip ko. Hindi na ‘ko titira sa mamahaling hotel. Di na rin ako mamimili masyado ng pasalubong. Piling-pili na lang ang papasalubungan ko.

Pero sana talaga na-delay lang yung pag-anunsyo sa third place. Sayang din yung pera. Shet, I’m so hayok. Haha! Well, better luck to me next time. Marami pa talaga akong kakaining bigas para mas maging mahusay na kwentista.

Advertisements