Kiss a girl

by Sankage Steno

Pinagtitripan yata ako ng office mates ko, pota. Kukuha lang dapat ako ng tubig sa pantry, tapos inalok nila ako ng cake.

“Thank you,” sabi ko. “Sinong me birthday?”

“Si Ate G,” sagot ng kausap ko. “Yung kiniss mo nung Christmas party.”

“Ako, may kiniss? Wala akong kiniss nung party.”

“Meron. Kitang-kita ka kaya namin. Lasing na lasing ka kaya.”

“Uy, di ako ganun kalasing no’n,” pagpupumilit ko.

“Oo, nagsigawan pa nga kami e. Sabi namin, ‘One more time! One more time!'”

Hindi ko talaga maalalang me kiniss akong babae nung party namin last December. I mean, just the thought of it makes me puke! Ewww! Saka nakaisang baso lang ako ng vodka Sprite at isang baso ng rhum Coke nung gabing ‘yon. Hindi ako lasing.

Lakas makapang-trip ng mga utaw dito. Akala yata nila e bading ako na hindi pa out o nasa confusion stage pa lang. No! Sure na sure akong straight ako… straight na bakla! Sa lalaki lang ako nakikipaghalikan, never sa babae. Yes, you read that right. Never!

Ni hindi ko sinubukang mag-girlfriend nung high school o college. Never akong nagkajowang babae. Never pa rin naman akong nagka-boyfriend in my life, pero BF talaga hanap ko, hindi GF.

Ewww-ewww-ewww talaga.

Sa katunayan, may nakahalikan akong lalaki sa bar nung isang linggo. Ang gwapo n’ya, as in. Mas gwapo sa ‘kin, I must say. At ang ganda rin ng katawan. Di ko nga alam kung pa’no ako natipuhan nun e. Siguro lasing na o baka nag-aadik. As in tatlong beses kaming naghalikan.

Sarap!

At ang sabi n’ya sa ‘kin sa pagcha-chat namin, “Awesome kiss.”

O ha?! Awesome daw akong humalik. Ansabe? Hahaha. At, take note, sa lalaki ‘yon. Hinding-hindi ako makikipaghalikan sa babae! Over my dead body. Sorry na lang sa inyo, girls. Di n’yo matitikman ang pamatay kong mga labi at dila. But don’t worry, okay lang sa ‘kin makipagbeso na may kasamang hug.

Advertisements