Going on 30

by Sankage Steno

Gustung-gusto kong kumain ng bikong gawa ni Nanay at yung handang pansit palabok ng kapatid ko kahapon kaso wala akong panlasa. Bwisit na lagnat ‘yan, sinabayan pa ng diarrhea. Lalo tuloy napurnada yung plano kong magpataba ngayong taon.

Nag-catch up yung stress ko nitong nagdaang mga linggo at binawi nitong weekend. Akala ko strong ako, hindi pala. Ayan, pinaalalahanan ako ng katawan ko. Sorry naman.Β E ang turo kasi lagi ng mga matatanda at mga kantang napapakinggan ko, “Be strong,” “Don’t cry out loud,” “Keep holding on,” etc.

Napala ko tuloy.

Pero don’t worry. Pagaling na ‘ko. Dalawang araw na ‘kong naka-leave sa trabaho ngayon but I think I’m okay. Mas malakas na yung pakiramdam ko ngayon, although panay pa rin ang takbo ko sa banyo para maupo sa aking ceramic throne. Putul-putol din ang tulog ko. What’s new?

Kanina rin e nakakain na ‘ko ng konti. Dalawang gabi na kasi akong di naghahapunan at yung kain ko naman sa umaga, sobrang onti lang. Para kasi akong maduduwal. Buntis yata ako. Charot! Tapos lahat ng kinain ko, idudumi ko rin pagdating ng madaling-araw. Hay, hirap ng buhay.

Kung merong magandang naidulot itong sakit ko, iyon ay ang mapaliit pa lalo ang tiyan ko. Sinukat ko nga kanina lang e. Naglalaro na sa 30 inches yung bewang ko mula sa dating 32. (‘Wag ka. 38 ‘yan nung high school at 34 nung college.) Yung tiyan ko mismo, nasa 29 na lang.

Amazing!

Look at the brighter side, sabi nga ng matatanda at ng mga kanta. Di nga ako nakakain ng masasarap na putahe, di nga ako nakapasok ng dalawang araw at di man ako makatulog nang maayos, at least ready na for the summer ang katawan ko. Konting kembot na lang at baka magka-six pack abs na ‘ko. Haha! Dream on.

Advertisements