Baleno on the floor

by Sankage Steno

Nagigising ka ba sa umaga at bigla na lang may kantang papasok sa isip mo? Madalas mangyari sa ‘kin ‘yon. Di ko alam kung dahil ba sa mahilig akong kumanta o kung may ganoon talagang kondisyon sa utak na di pa nadidiskubre o napapangalanan.

Ako na lang ang magpapangalan: Umanta. Short for umagang kanta.

Ayun nga, madalas akong maumanta pagkagising. Kahapon, ang bigla ko na lang kinanta pagdilat ng mata e yung You Are My Sunshine ni Johnny Cash. Imagine that? Napakalumang kanta tapos naalala ko bigla. E hindi naman Linggo kahapon para makapakinig ako ng mga lumang awitin sa radyo.

Ang weird lang.

Minsan tuloy, kung ano yung kantang pumasok sa isip ko paggising sa umaga, yung message n’ya ang nagse-set ng magiging mood ko sa buong araw. Kaya kapag masaya yung kanta, masaya rin ako. Kapag malungkot, kinakabahan na ‘ko dahil baka maging malungkot ako buong araw.

Pero syempre alam ko namang nasa isip ko lang ‘yon lahat. Ang hirap lang ialis sa sistema ko yung pag-associate ng lyrics ng kanta sa magiging takbo ng utak ko. Ito rin siguro yung dahilan kung bakit nanalo ako sa Singing Bee noon.

Amazing lang.

Eto ngayon ang matindi. Kaninang umaga, nagising na naman ako at bigla-bigla na lang may pumasok ulit na kanta sa isip ko. Hulaan mo kung ano yung awit na kinanta ko pagdilat na aking mga mata? Clue: Bago lang s’ya. Kanta ni Bruno Mars. Nope, it’s not 24K Magic, pero gusto ko rin ‘yon.

Nahulaan mo na?

Shet! Shet lang! Shet, di ba? Hahaha. Oo, umanta ko ngayon yung Versace on the Floor. Taena lang ‘yan. Pangmomol talaga? Well, I’m not complaining. Ang saya nga e. Feeling ko tuloy may makakaanuhan ako mamaya. At hindi babae ‘yon. Please! Lalaki ang hanap ko, hindi babae. Ano ba!

Pero dahil wala akong damit na Versace ang tatak, sinuot ko na lang yung brief kong Baleno. Hahaha. Ang adik ko lang. Umanta pa more! Sana yung makakaanuhan ko e magsuot ng Versace para perfect.

Oooh… Take it off for me, for me, for me, for me now, boy! Baleno on the floor.

Advertisements