Pwede ba kitang mai-date sa 14?

by Sankage Steno

Malugod ko pong ipinapaalam sa lahat ng bakla na libre na po ako sa Feb. 14. Akala ko kasi e ipapadala ako ng work ko somewhere sa Southeast Asia para mag-cover ng conference. Turns out, Feb. 16 pa pala s’ya so pwedeng-pwede mo na akong maachib sa Valentine’s Day.

Wala naman akong requirements masyado. Basta hindi ka jailbait o below the age of 18, at ready ka naman to mingle, goraboom na. Let’s go on a date.

Syempre, gusto kong kumain tayo sa labas, pero dahil may trip ako this weekend at sa next weekend, very tight ang budget ko. Kung kakain tayo, hindi kita maililibre, so KKB ang mangyayari. Hindi rin kaya ng budget ko for now ang mamahaling restaurant so dun lang tayo sa affordable. Kahit Jollibee, kung di ka naman choosy, push!

After dinner, kung gusto mong manood ng sine, pwede rin. Actually, anything goes na pagkatapos nating kumain. Kung gusto mong magkwentuhan pa tayo, marami namang coffee shop d’yan o park. Kung may iba ka pang suggestion, sabihin mo lang kapag naipaalam mo na sa ‘kin ang kagustuhan mong maka-date ako.

At kung natapos na tayong kumain, manood ng sine at/o magkwentuhan, alam mo na ang kasunod. Sex. Hahaha. Don’t worry, lagi akong may nakahandang condom. Shet. Sarap. Dun naman talaga papunta ang lahat, di ba?

Or maybe not?

Well, kung ayaw mo ng sex, ayos lang din naman sa akin. Madali akong kausap. At kung gusto mong mas lumalim pa ang samahan natin, ayos na ayos din. Basta ang mahalaga sa ngayon, sabihan mo ako kung pwede ka sa 14 para maitaga na natin sa bato ang ating date.

O pa’no? I-message mo lang ako sa Twitter (@stenopadilla) o email (snap2104@yahoo.com).

Advertisements