Maynila pa rin, mga ulol!

by Sankage Steno

Pinili ko talagang mag-celebrate ng Valentine’s Day dito sa Maynila kesa sa Bangkok dahil nandito ang true love ko at gusto ko ring makiramay sa mga nasalanta ng lindol sa Surigao. Syempre charot ko lang ‘yan dahil matagal nang nai-book yung ticket ko pabalik dito.

Pero, seriously, mas maganda ang Bangkok kesa Manila. Mas malinis yung paligid nila, mas mura ang mga bilihin, mas magaan ang daloy ng trapiko, mas maganda ang airport, at maayos at marami ang mga tren. Feeling ko mas masarap at healthy rin yung mga pagkain nila sa tabi-tabi kumpara dito sa ‘tin.

Angat sila in so many aspects, at iyon ang pangunahin kong dahilan kung bakit napapalakpak ako sa eroplano pagkalapag ko rito sa Maynila. Sabi ko nga sa naka-lunch date ko kanina, nakaka-miss na nakakainis yung traffic dito. Sobrang pangit ng kabisera natin. Mabaho, marumi, masikip, pero love na love ko s’ya.

At dahil mahal ko s’ya, tanggap ko ang kapangitan n’ya, warts and all.

Pero dahil mahal ko nga ang Maynila, gusto ko rin syempre ang best para sa kanya. Ito ang isa sa mga pumipigil sa ‘kin na magtrabaho sa ibang bansa at gamitin doon ang aking talino at kakayahan. Gusto ko kasing maging kasingganda, kasing-ayos at kasing-unlad ng Maynila ang ibang mayayamang lunsod sa Asya at sa buong mundo. Gusto kong makatulong sa pagsasakatuparan nito.

Ganun ko po kamahal ang Maynila at ang buong Pilipinas.

Hindi ko naman sinasabing kapag nangibang-bansa ka e hindi mo na mahal yung sarili mong bayan, although may mga kilala akong ganun. Actually, ang laking tulong nga sa ekonomiya natin yung mga dolyar na ipinapadala ng mga Pilipinong nasa ibayong-dagat. Hindi ko rin naman sila masisisi kung walang makitang oportunidad dito. Tangina talaga kasi yung gobyerno natin.

Napakapangit talaga ng Maynila, I swear. Well, tatlong magagandang lunsod pa lang naman sa Asya ang nabibisita ko (Singapore, Hong Kong at Bangkok), pero sobrang layo nila sa kabisera natin. As in. Kung may kapangyarihan lang talaga akong ayusin ang mga bagay-bagay rito, ginamit ko na. E kaso hanggang pagsusulat at pagbabayad ng buwis pa lang ang kaya ko. Sana mas makatulong pa ako sa pagpapaunlad ng Maynila at ng bansa natin.

Advertisements