Galawang Hokagay

by Sankage Steno

Ang daming pogi sa Bangkok, halos mga kasimpogi ko. Haha. Lamang lang sila sa muscles, pero kung height at face value lang din ang pag-uusapan, di naman ako pahuhuli.

I’m not referring to the locals, ha? Kakaunti yung gwapong Thai na nakita ko. Mas marami pa nga akong nakitang poging Pinoy sa Ayala Triangle kagabi. Hihi. Karamihan ng inawrahan ko sa Bangkok e Caucasians.

Tulad na lang nitong bortabels na koya sa may Chatuchak Market. Hulaan mo kung sino ang kamukha n’ya.

fb_img_1486892524460

Nag-comment yung isa kong kaibigan sa Facebook nang i-post ko ‘yan. Sabi n’ya, “Ui si Thor.” Nag-reply ako, “YAN DIN SABI KO! HAHA!” All caps para intense. Kamukha naman talaga ni Chris Hemsworth, di ba? Sabi naman ng isa ko pang kaibigan, Brad Pitt daw. Pwede naman, kung di n’ya siguro hiniwalayan si Angelina Jolie.

Ano raw?

May isa pa ‘kong nakitang Caucasian na hottie sa Chatuchak. Nasa gitna lang s’ya ng kalsada at nagpapaaaraw. Di ko alam kung may hinihintay s’yang kaibigan o boyfriend, o kung nagpapa-tan s’ya, o kung hinihintay lang n’ya akong kausapin s’ya. So ang ginawa ko, nilapitan ko s’ya at inamoy. See for yourself.

fb_img_1486892493867

Pasensya na sa side view. Mahirap kumuha nang palihim lalo na kung di ka pa sure na bekimon din si koya. Pero, tingnan mo, di naman kami nagkakalayo ng height, ‘no? Mas matangkad pa nga yata ako sa kanya. I bet mas matalino ako sa kanya. Wuw.

Maliban sa Chatuchak, ang dami ring bet sa BTS Skytrain nila. Kahit saang car ka sumakay, sure na may masa-sight kang gwapings. Meron ngang isang puti na inawrahan ko at inawrahan din ako. Hindi lang kami nagkatuluyan dahil may kasama s’yang “parents” at hindi sila nag-i-English, so ekis. Nagpakiramdaman na lang kami sa tren. Eto o:

fb_img_1486892429509

Ang cute ni kuya, ‘no? Kaya lang feeling ko supot pa. Or supot talaga. Hindi naman kasi uso sa mga puti ang pagpapatuli. Tayo lang namang mga Pinoy ang big deal ang pagpapatuli. Ewan ko ba sa atin. Nakakabawas kaya sa sensation kapag tinanggal mo yung foreskin ng titi. Pero iwas kupal naman, to be fair.

Bago pa ako mapunta sa ibang isyu ng katitihan, eto pa yung isang bortabels na koyang nakatabi ko sa tren. Hindi s’ya Caucasian. Feeling ko e Thai s’ya o Chinese. Basta Asian. Ang hot ni kuya kahit mas matangkad ako sa kanya. Feeling ko bagay kami talaga. Eto s’ya:

fb_img_1486892539175

Hindi naman obvious na sina-sight ko s’ya, hano? Haha. Bakit ba? Masama bang i-appreciate ang mga gwapong lalaki sa paligid? Hindi ko naman sila hinihipuan o nire-rape ah? Saka pa’no ko mahahanap ang The One kung hindi ako lalandi? Para-paraan lang ‘yan.

And speaking of para-paraan, heto yung pinakagusto kong inawrahan. Medyo nahirapan akong duma-moves sa kuyang ito dahil gusto ko s’ya talaga at nasa matao kaming lugar. Syempre ayoko namang i-out s’ya unintentionally. Buti na lang at mahusay ang photographer ko sa trip na ito at nakunan n’ya yung malaanghel na mukha ni koya.

received_738936592929404

Hindi yung Indian na may dalang malaking supot, ha? Jusko naman. Syempre yung nakatingin sa camera ang tinutukoy ko. Mukha s’yang K-Pop idol, ‘no? Bagay na bagay kami. Sana magkatuluyan kami balang araw. O kahit one-night stand lang, pwede na. Hihi.

Ang landi ko po. I thank you.

Advertisements