Burmanyak

by Sankage Steno

Grabe lang ang mga bakla rito sa Yangon, Myanmar (dating Burma, hence the title), hayok na hayok. To be more specific, hayok na hayok sa akin. Hahaha. Dito pala ako mabenta. Sa Bangkok kasi hindi ako masyadong pinapansin sa Grindr. Pero dito, unang gabi ko pa lang, umaalagwa na yung inbox ko.

Lalo tuloy akong napapagod. Wuw. Pagod na nga ako sa biyahe at sa maghapong coverage (plus admin work), lupaypay pa lalo dahil sa you know. Hihi. Di ko inexpect na sobrang pagpipiyestahan ako ng mga Burmese. Kung alam ko lang, sana nagbaon ako ng maraming energy drink. Lels.

Huy, ‘wag ka ngang bastos. Chat lang naman ginagawa namin. Chat saka ano. Hulaan mo. Apakabastos mo talaga!

O baka ako yung bastos? Bakit, bastos ba yung makipag-anuhan? Hindi kaya. It’s god’s gift to mankind. Or it’s man’s way of surviving as a species. Pero di naman kami nanganganak. Lol. Sarap. Bastos!

Grabe, ayaw pa rin nilang paawat, o. Panay ang vibrate ng cellphone ko dahil sa messages nila. Sa sobrang tindi ng vibration, pwede ko na s’yang ipagamit sa mga kaibigan kong lesbian. Charot! Pwede rin namang ikaw na lang ang gumamit kung gusto mo. Basta huhugasan mo lang pagkatapos mong mag-cum.

Ang bastos mo talaga!

Huy, biro lang. Sobrang wholesome ko po talaga rito sa Myanmar. Hindi po ako gumagawa ng milagro umaga man o gabi. Talagang puro trabaho lang ako. Impak, di pa ‘ko nagla-lunch at naghahapunan. Puro kutkutin lang ang kinain ko sa buong araw dahil sobrang lagare talaga sa coverage. Ako lang kasi yung pinadala rito. Hay sarap.

Buti na lang at maraming gustong tumikim sa ‘kin. Pinagbibigyan ko naman sila every night kahit pagod ako at wala masyadong lakas. Ganun po ako ka-generous at kasarap. Wuw.

Ano ba! Apakabastos mo talaga! Hindi nga ako nakikipag-anuhan dito. ‘Wag ka nga! Kung anu-ano pinapasok mo sa isip ko. Pasukan kita ng ano sa ano mo e. Ano ba!

Advertisements