Laban na ulit, mga ulol!

by Sankage Steno

Akala n’yo siguro tumigil na ‘ko sa pagtuligsa sa mga nakamamatay at balikong polisiya ng rehimeng Duterte, hano? Nagkakamali kayo, mga ulol! Nag-break lang ako saglit dahil a) Valentine’s Day, b) travels (for leisure and for work), at c) I have a life, mga ulol.

Mas tumalino pa ‘ko ngayon dahil naka-attend ako ng conference on pain management, kaya lalo kong naintindihan kung ga’no kahalaga ang opioid sa lipunan, lalo na sa mga may sakit, kung tama ang paggamit, kung may maaayos tayong batas, kung may sapat tayong kaalaman dito at kung hindi adik sa fentanyl ang pangulo ng bansa natin.

E ikaw, anong natutunan mo sa loob ng walong buwang panunungkulan ni Duterte bilang biggest asshole ng Pilipinas?

Ako, bukod sa input ng mga ekspertong napakinggan ko, lalo kong napatunayan na etong war on drugs ng pangulo n’yo e war against the poor talaga. Kawawang mahihirap, laging napag-iinitan. Again, sinong big fish/drug lord na ba ang nahuli at napakulong ng mga pulis natin? Si Peter Lim? Haha! Patawa kayo, mga ulol.

Tapos ngayon bubuhayin n’yo pa yung death penalty? At hindi kasama ang plunder at rape sa mga mapaparusan nito? Ang lalaki n’yo talagang hunghang, mga ulol. Obvious namang hindi na gumagana at tumatalab ang reason sa inyo. Ang kaisa-isang reason na lang na pinapairal n’yo e “Heil Duterte!”

Sorry na lang kayong mga panatiko dahil di ako titigil sa pagpapamukha sa inyo ng katangahan at karahasan ninyo. Kung sa tingin n’yo e pinagyayabang ko lang na mas matalino at mas matapang ako sa inyo, well, byproduct lang ‘yan ng kamangmangan at kaduwagan n’yo. Anti-intellectual kayo, di ba? Anti-opposition kayo, di ba?

You can’t stop me, mga ulol.

At kung gusto n’yong makaganti sa ‘kin, hanapin n’yo ‘ko sa EDSA sa Sabado dahil isa ako sa libu-libong dadalo sa protesta laban sa walang habas na pagpatay ng mga pwersa ng pamahalaan sa maraming Pilipino, laban sa unti-unti n’yong pagkitil sa ating demokrasya at laban sa mga uri ninyong bobo, duwag at mga ulol.

Nakapag-recharge na ulit ako, with upgrades, kaya LABAN!

Advertisements