Paano ang tamang paggamit ng condom?

by Sankage Steno

Nakapanayam ng boss ko ang isang opisyal ng Department of Health kahapon at nakasagap s’ya ng bagong impormasyon hinggil sa estado ng HIV sa ating bansa, na s’ya namang ibinahagi n’ya sa akin kanina. Sabi ng opisyal, may bagong strain daw ng HIV ngayon dito na tinatawag nilang Thai strain, so malamang sa Thailand ito nadiskubre (EDIT: Sa Cuba raw ito nadiskubre. Weird).

Kung datirati 10 taon ang binibilang bago mag-progress ang HIV to AIDS, sa bagong strain daw e limang taon na lang. Mas mabilis, mas matindi. Kaya kung halimbawang nakipagkantutan ka noong 2012 nang hindi gumagamit ng proteksyon at hindi ka naman nagpapa-test, baka may AIDS ka na ngayon.

Dagdag pa ng opisyal, 28 na bagong HIV cases daw ang meron sa Pilipinas kada araw. At ‘yan e yung mga reported cases pa lang. Hindi naman kasi lahat ng sexually active individuals sa atin e nagpapa-test, so baka doble o triple pa talaga n’yan ang dami ng may HIV sa bansa.

At ang pinakaikinagulat kong impormasyon na nakuha sa DOH official e maraming Pilipino raw ang bumibili nga ng condom, hindi naman ginagamit. Ang mas matindi, napakaraming naglilibog ang hindi naman pala marunong gumamit ng condom.

Sex Guru
Dahil dito at dahil wala naman tayong matinong sex education sa bansa, naisipan kong maging sex guru for today at turuan kayo kung paano ang tamang paggamit ng male condom.

1) Maingat na buksan at tanggalin ang condom sa wrapper nito. Iwasang mapunit ang condom.

remove condom from wrapper

2) Ilagay ang condom sa ulo ng matigas na titi. Mas matigas, mas masaya. Siguraduhing tama ang pagkakalagay. Kung di ka tuli, sakatin mo muna ang titi mo o hatakin ang balat ng masama (foreskin) hanggang lumitaw ang ulo.

Place condom

3) Pisilin ang dulo ng condom hanggang mawala ang hangin sa loob.

Pinch air out of the tip of condom

4) Hatakin o irolyo pababa ang condom hanggang sa ibaba ng iyong titi o sa ibabaw ng iyong bayag/betlog.

Unroll condom

5) Pagkatapos makipagkantutan, bago tanggalin ang condom, hawakan itong mabuti sa pinakababa (sa ibabaw ng bayag/ilalim ng titi). Saka mo dahan-dahang hilahin para tanggalin sa iyong titi.

pulling out condom

6) Maingat na alisin ang condom at siguruhing hindi matatapon ang laman nitong tamod. Itapon sa basurahan, ‘wag sa inodoro o sa labas ng bintana.

remove the condom and throw it in the trash

Success! Masarap ba? I mean, masarap bang matuto ng tamang paggamit ng condom? Walang anuman. Dapat nasarapan ka. Sobrang sarap kaya kapag may bago kang natututunan. Pero pinakamasarap pa rin kung nasarapan ka sa ginawa mo kung bakit kinailangan mong gumamit ng condom. Sarap.

Advertisements