Masakit. Masarap.

by Sankage Steno

Pangalawang Red Horse ko pa lang pero ang daldal ko na. Kung anu-anong tema na ang ibinabangka ko sa mga kasama kong nag-iinuman. Syempre, tungkol sa sex o sa sawing love life ang pinag-uusapan namin. Wala namang ibang masarap pag-usapan sa inuman kundi yung dalawang ‘yon.

Mabuti pang ‘wag na rin kayong mag-inuman kung hindi lang din naman ‘yon ang pag-uusapan n’yo. Sure, you can talk about politics or sports or your existential dread, pero nothing beats sex and katangahan sa pag-ibig pagdating sa nomohan. Lumalabas ang makulay na pagkatao ng mga kainuman mo. Iba rin.

“So nakailan ka nga sa Yangon?” Di ko na maalala kung ilang beses akong tinanong ng kaibigan ko.

“What happens in Yangon stays in Yangon,” sabi ko, kahit alam kong mas bagay pa rin ang Vegas kesa sa third-world city na ginamit ko. E anong magagawa ko? Di pa naman ako nakakalabas ng Asya. At kung mapapadpad man ako sa disyertong ‘yon, di ko naman alam kung magiging mabenta rin ako tulad ng pagiging mabenta ko sa kabisera ng Myanmar.

Sa makailang beses nilang pagtatanongĀ kung ilan ang kinita kong lalake sa huli kong trip, makailang beses ko rin silang sinagot ng Karylle smile, kasunod ang paghigop ng beer sa aking mug. Ang sakit tuloy ng ulo ko paggising kaninang umaga.

Bakit ba interesado silang malaman kung nakapag-sex ako? At bakit mas interesado sila kung nakailan ako? Mahalaga ba ‘yon? Kailangan ba ‘kong maging proud kung nakarami ako? Kailangan ko bang malungkot kung hindi ako naka-score? Anong panghuhusga kaya ang ipinataw nila sa ‘kin habang nagbibigay ako ng pasundot na detalye sa mga ginawa ko sa ibang bansa?

Baka epekto lang ‘to ng alcohol. Baka epekto rin ng pagiging siil ng ating libog. Kung bakit naman kasi halos lahat ng relihiyon e kasalanan ang tingin sa pakikipagniig sa kapwa-tao. Hindi ba nila matanggap na nakabubuhay ang pakikipagkantutan? Hindi ba iyon naman ang gusto ng kahit na sinong diyos? Ang bigyan tayo ng buhay?

Ewan ko sa mundong ‘to. Isa pa ngang tagay.

Advertisements