No to smoking ban

by Sankage Steno

SAMSUNG CAMERA PICTURES

Baka mamaya o bukas, nakakasa na yung EO ni Duterte na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa at, sabi ni Abella, maging “indoors.” Kung bawal nang manigarilyo sa public places at maging sa loob ng mga gusali, mapipilitan akong manigarilyo sa kwarto o sa sala ng aming bahay kasama ang pamangkin kong baby at lahat ng mahal ko sa buhay.

Sasabihin mo, “Bobo ka! E di ikaw ang tumigil sa paninigarilyo kung ayaw mong madamay yung pamilya mo.”

Sasabihin ko, “Mas bobo ka! Hindi ko gagawin ‘yon, naniwala ka naman. I’m trying to make a point here, bobo!”

What is my point? Alam mo, kung seryoso si Duterte sa kagustuhan n’yang mabuwag ang paninigarilyo sa buhay ng mga Pilipino, hindi dapat yung mga maliliit na mamamayan ang pigilan n’ya sa paninigarilyo. Tulad sa war on drugs, sa halip na patayin yung maliliit na user at pusher, ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno e yung mga gumagawa at nagbebenta ng droga/sigarilyo.

Ibig kong sabihin, pautot lang talaga ni Duterte itong EO on nationwide smoking ban para magmukha s’yang concerned sa kalusugan ng mga Pilipino. Kung talagang ayaw n’ya sa sigarilyo, ipasara n’ya yung mga kumpanyang nagma-manufacture at nagdi-distribute ng sigarilyo o tabako.

Now, why am I not in favor of a nationwide ban on smoking. Simple answer: I smoke.

Hindi ko na ipagdidiinan ang health benefits ng cigarette smoking tulad ng lower risks of Parkinson’s disease, obesity, death after a heart attack, knee-replacement surgery at ulcerative colitis dahil alam naman nating lahat na the risks far outweigh the benefits.

Mas marami pa ring negative effects sa kalusugan ang paninigarilyo. Fine.

Hindi ko na rin ipagdidiinan ang magiging epekto ng EO na ito sa mga takatak boys at girls sa kalsada, sa mga tindahan ng sigarilyo, sa mga empleyado sa kumpanyang gumagawa ng sigarilyo at sa ekonomiya natin na malaki ang nakukuhang buwis sa mga nabebenta at gumagawa ng sigarilyo dahil malaki rin naman ang nagagastos kapag nagkasakit ka sa baga o nagka-lung cancer.

Ang masasabi ko lang, malaki ang naitutulong ng paninigarilyo sa akin para kumalma at i-process sa puso’t isip ko ang mga kagaguhang ginagawa ng gobyerno natin. Kung mas gusto ni Duterteng parusahan kaming naninigarilyo kesa sa mga gumagawa ng sigarilyo, fine. What else is new? Makapagyosi na nga lang.

Advertisements