Basta Pilipino, kantatero

by Sankage Steno

Natuwa ako dun sa isang naka-chat ko sa Grindr nung nasa Yangon ako last month. After naming mag-Hi-Hello sa isa’t isa, tinanong ko s’ya kung local ba s’ya. Sabi n’ya, hindi raw. Chinese daw s’ya. Ta’s tinanong n’ya rin ako. Sabi ko naman, “I’m Filipino.” Nagulat ako sa sunod n’yang sinabi.

“You must be good singer.”

“Yeah, I guess,” sagot ko.

Pilit kong inililihis yung usapan sa kantahan dahil hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako nag-Grindr. Well, oo, kantahan din naman in a way. Pero ibang mic ang gusto kong kantahan… if you know what I mean.

“All Filipinos sing good,” patuloy n’ya.

“Not all,” sabi ko. “But yeah we have many good singers.”

Hindi ko na alam kung pa’no natapos yung usapan namin tungkol sa singers. Basta ang huli kong naalala… uhm… ano… wala akong maalala. Hihi.

I’m not into stereotyping peoples pero natuwa naman ako dahil, for the first time, hindi domestic helper o longkatuts ang tingin ng banyaga sa ‘ting mga Pinoy. Wala namang masama sa pagiging kasambahay, pero alam naman nating mababa ang tingin sa kanila sa maraming lugar sa mundo.

Ay, ayun, naalala ko na. Sinampolan ko pala s’ya ng nota ko. Ang taas kaya ng nota ko. Di nga n’ya kinaya e. Di n’ya naabot. Hahaha!

Apakabastos mo!

Yun lang naman ang gusto kong i-share. Naalala ko lang kasi nakikinig ako ngayon ng Pinoy covers ng mga sikat na kanta sa YouTube channel ng Wish 107.5. Eto, panoorin mo sina Michael Pangilinan, Darren Espanto at Morissette.

Grabe, ang dami talaga nating magagaling na mang-aawit. Ewan ko na lang kung di ka pa bumilib sa mga ni-link ko na ‘yan. Partida, live at nakaupo pa sila habang kumakanta. Nakakainggit sa husay. Sana lang marami rin tayong magagaling na songwriters at producers na willing gumawa ng album na hindi puro revivals.

Advertisements