Kuripot pro-blem

by Sankage Steno

Taena. Muntik na ‘kong magbayad ng roundtrip ticket sa Cebu Pacific para dun sa binabalak kong international trip. Buti na lang naghunusdili ako. In other words, tinamaan ako ng kakuriputan. Buti na lang at pinalaki akong kuripot ng mga magulang ko. Kundi, baka nalagasan na ‘ko ng 10k agad-agad sa maling booking.

Napagbaligtad ko kasi yung departure at arrival cities ko. Buti talaga binasa ko ulit. Kung nagkataon, lagas ang 10k. Di ko na napakinabangan, sisisihin ko pa sarili ko for a long time. Pero mas nagpapasalamat ako dahil kuripot akong tao. Ayoko kasing nababawasan yung kayamanan ko. I mean, okay lang sa ‘king gumastos, pero hindi dapat bababa yung yaman ko sa sinet kong maintaining balance sa aking bank accounts.

Yes, take not: “bank accounts.” With ‘s’. Plural. Marami.

Ang yabang ko, shet. ‘Wag n’yo po akong kidnapin. Wala po akong pang-ransom na P10 million. Wala pa rin sa kalahati nun yung ipon ko. Wala rin po sa isang-kapat. ‘Wag mo nang alamin dahil di ko naman sasabihin. Gusto ko lang ipagyabang na may ipon ako. Marami kasi akong kilalang tao na wala na ngang ipon, lubog pa sa utang.

Ba’t ganun?

E yung mga taong ‘to, mas malaki ang sweldo sa ‘kin, walang pinapaaral na anak o kapatid, mataas ang pinag-aralan, pero medyo tanga pagdating sa financial literacy. Well, can’t blame them. Hindi naman kasi tinuturo sa school ‘yang tamang paghawak at paggamit ng pera. Sinasabi lang nila, mag-ipon. Hanggang dun lang. Pagdating sa equities, insurance, stocks, mutual funds, etc., wala nang alam.

E buti na lang talaga wide reader ako. Buti na lang din at marami akong nakakasalamuhang tao mula sa iba’t ibang propesyon sa trabaho ko. Andami ko tuloy natututunang hindi naisama sa curriculum ng mga pinag-aralan kong schools. Pero pinaka-thankful pa rin ako talaga sa mga magulang kong kuripot din.

Namana ko ang kakuriputan nila.

So ngayon alam mo na kung gaano kahalaga ang pagiging kuripot sa buhay? Bukod sa may extra akong pera na pwede kong magamit sa luho ko, may pera din ako in case of emergency. Higit sa lahat, may pera ako para sa mga lalak… lalakbayin ko pang mga lugar sa mundo. Mahilig kasi akong manlalak… este… maglakbay.

Advertisements