Atin ang Benham Rise

by Sankage Steno

Balak yatang angkinin din ng China ang Benham Rise na bahagi ng teritoryo natin sa may Pacific Ocean. May namataan kasing Chinese survey ship sa nasabing lugar tatlong buwan na ang nakalilipas, sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana. Ang sabi naman ng China, hindi raw sinadyang mapadpad yung barko nila roon.

Ang sabi ko naman, “Ulol!”

Tapos kaninang umaga, nagbago na agad yung ihip ng hangin. Ang sabi ng spokesperson ng Chinese Embassy, hindi raw natin pwedeng i-claim yung Benham Rise bilang teritoryo natin. May freedom of navigation daw sila roon. Well, ang masasabi ko lang ulit d’yan ay ULOL!

Para sa kaalaman ng mga bobong Tsinong ito, atin ang Benham Rise. We are not claiming it. We already claimed it. Uwian na dapat dahil matagal na tayong nanalo. Matagal nang atin ang Benham Rise.

The United Nation has officially approved and recognized the claim of the Philippines in April of 2012, in strict compliance with the requirements of the United Nations Convention on the law of the Sea (UNCLOS). The Department of Environment and Natural Resources (DENR) has officially received a letter from UNCLOS informing the Philippines that Benham Rise is now part of the Philippine continental shelf and territory.

At dahil atin ang teritoryong ‘yan, dapat humingi muna ng permiso ang ibang bansa kung gusto nilang manghimasok at mag-research, o kung ano man ang gusto nilang itawag sa personal nilang interes. Kung ipagpipilitan nilang malaya silang makakalabas-masok sa Benham Rise, dapat pasabugin ng Philippine Navy yung mga barko nila, the same way na babarilin mo yung mga magnanakaw na pumapasok sa bahay mo.

Ang hirap kasi sa China, late bloomer sa Exploration Age. Akala yata nila e porke superpower na sila, pwede na silang mang-colonize ng mga isla at dagat. Ang hirap naman sa pangulo natin, panay ang himod sa puwet ng China. Mga bobong 16 million voters. You should be ashamed of yourself.

Kung pababayaan itong pasuk-pasukin at angkinin ng China, ipapamigay lang naman natin ang teritoryong mas malaki pa sa pinagsama-samang isla ng Luzon, Samar at Leyte. Opo, ganun kalaki ang Benham Rise—13 million hectares. At kung Luzon pa lang e sagana na sa likas na yaman, pa’no pa ang dambuhalang Benham Rise?

Advertisements