Ngiti

by Sankage Steno

Tabihan mo ako sa gitna ng gabing
kumukumot sa ating balat. Pawiin
ang ginaw sa init ng katawan,
palihim, tulad ng mga bulungan.

Sumayaw tayo sa saliw ng awitin
ng mga kuliglig. Sabayan natin
ang mumunti nilang pagsasalo
sa lilim ng mga dahon at damo.

Ililibot ko ang magkabilang kamay
sa iyong yungib, burol, kapatagan
at sa lahat ng dakong di maabot
ng iyong mga matang maalindog.

Hahalikan kita sa mamasa-masang labi,
sa leeg, sa dibdib, sa noo, sa pisngi.
Hindi ako titigil hanggat di ko
naririnig ang pag-ungol mo.

Ihahandog kita sa dambana
nina Himeros at Eros. Magliliyab
kang alay ng aking pagnanasa,
marubdob, pusong nag-aalab.

Sa huli, papasukin kitang mabuti,
lalabasan at iiwang nakangiti.

Advertisements