Bakit mai-impeach si Robredo at hindi si Duterte

by Sankage Steno

Tagahimod kasi ng puwet ni Duterte ang mga senador at kongresista natin.

Kahit pa patayin ni Duterte ang lahat ng drug user at pusher sa bansa, kahit pa payagan niyang makabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos, kahit pa ipamigay niya ang Spratly at Benham Rise sa China, at kahit pa magdeklara siya ng martial law, hinding-hindi papayag ang mga mambabatas natin na matanggal siya sa pwesto.

Alam mo kasi, botohan ang impeachment trial. MagBOBOtohan ang mga kongresista kung may sapat bang dahilan para ituloy ang impeachment case sa pangulo. At ‘pag nagsilbing korte ang senado para sa trial, magBOBOtohan ulit kung gusto nilang matanggal si Duterte o hindi.

Obvious naman, di ba? Karamihan sa mga mambabatas natin e sunud-sunuran sa kagustuhan ng pangulo. Kahit taliwas ito sa paniniwala nila, kahit alam nilang nagpapaka-TRAPO sila, uunahin pa rin nila ang pamumulitika kaysa kapakanan ng nakararaming Pilipino.

Ano pa bang bago?

Ngayon, kung balak ni House Speaker Alvarez at ni Solicitor General Calida na ma-impeach si Robredo, sisiw. Kung nagawa nilang mag-imbento ng ebidensya laban kay De Lima para maipakulong ito, magagawa rin nila ‘yon sa pangalawang pangulo natin. Ang dali lang kayang bumili ng preso at bigyan sila ng script para sabihing may koneksyon si Leni, o si Jesse, sa droga o sa destabilization plot.

At dahil botohan nga ang mangyayari sa lower house at sa senate, madaling mauutusan ang mga puppet nating mambabatas para umusad ang impeachment complaint kay Robredo (kung sakali mang magkatotoo ito sa hinaharap). Kapag nakalikom na sila ng sapat na pekeng ebidensya, pwede nang litisin ang VP sa senado.

Finally, magBOBOtohan ang mga senador kung sapat ang mga pekeng ebidensya para patunayan ang pekeng paratang kay Robredo. Dahil gustung-gusto nilang hinihimod ang puwet ni Duterte, BOBOto ang karamihan sa kanila para matanggal sa pwesto ang kasalukuyang pangalawang pangulo.

Kapag bakante na ang VP post, pwede nang pumili si Duterte ng hahalili kay Robredo. Ang pagkakaalam ko, pwede s’yang mag-appoint ng kahit na sinong senador o kongresista. Alin sa dalawa ang naiisip kong pipiliin ng ating Dark Lord: Sen. Manny Pacquiao o Rep. Imelda Marcos.

Advertisements