E wala na tayong magagawa diyan

by Sankage Steno

Bago tumulak papuntang Myanmar si Dark Lord Duterte kahapon, sinabi n’ya sa kanyang send-off presscon ito: “If China started building structures at the Panatag Shoal, e wala na tayong magagawa diyan.”

Sa madaling-sabi, ibinenta na tayo ng pangulo sa Tsina. Ang husay, di ba? Para mo na rin sinabing, “Uy, tutal naman mas mayaman at mas malakas ka sa akin, kunin mo na lahat ng ari-arian ko.” O kaya e, “US, Japan, Russia, di ba mas makapangyarihan kayo sa Pilipinas? Kunin n’yo na rin yung iba naming isla.” After all, wala naman tayong magagawa diyan.

Dahil dito, minabuti kong umisip ng iba pang sitwasyon o pagkakataon kung saan magagamit natin ang quotable quote na ito ng ating Dark Lord. Saan mo pa nga ba maaaring gamitin ang napakatapang at napakatalinong kataga na “E wala na tayong magagawa diyan”? Heto:

  1. Kapag sinabi ng prof mo na bagsak ka at ipapasa ka lang n’ya kung papayag kang makipagkantutan sa kanya.
  2. Kapag nakikipagkantutan ka at nakalimutan ng partner mong magdala ng condom.
  3. Kapag nabuntis ka ng naka-sex mo at ayaw niyang panagutan ang dinadala mong anak sa sinapupunan.
  4. Kapag nahuli ka ng magulang mong nagjajakol at malapit ka nang labasan.
  5. Kapag nahuli ka ng magulang mong kinakana ang kasambahay n’yo sa bahay.
  6. Kapag tumatae ka sa banyo at nalaman mong walang tubig at ubos na rin ang rolyo ng tissue paper.
  7. Kapag sinabi ng boss mong kailangan mong pumasok ng Sabado at Linggo nang walang OT pay o offset man lang.
  8. Kapag sinabi ng bully mong kaklase na ibigay mo ang baon mo sa kanya, masahihin mo s’ya at dilaan mo ang kanyang puwet.
  9. Kapag sinabi ng boyfriend o girlfriend mong pakasalan mo na s’ya kahit wala ka pang pera o balak.
  10. Kapag gipit ka na at ang pinakamadaling solusyon ay ang lumabag sa batas.

O di ba ang talino ng sinabi ng ating Dark Lord? Hindi lang s’ya applicable sa isyu ng Chinese bullying. Maaari mo rin s’yang magamit sa pang-araw-araw na sitwasyon. Higit sa lahat, pwede mo s’yang sabihin kapag simpleng bobo ka lang.

Litrato ni Juan Nationalist.

Advertisements