2 cruel 2 be R-18

by Sankage Steno

Second na lang ang Love of Siam sa favorite gay-themed movie ko. Sorry, Mario Maurer. I still love you, though. Napalitan na ito ng 2 Cool 2 Be 4gotten. Jusko! I love you, Felix (Khalil Ramos)! I love you, Magnus (Ethan Salvador)! I love you, Maxim (Jameson Blake)! Foursome tayo please.

Charaught!

Apakabastos n’yo! Wala namang masama sa foursome. Mahirap nga lang. Wuw! Hoy, biro lang. Di ko pa nata-try ang foursome. Baka in the near future subukan ko, with them. Hihi.

Anyway, tama na muna ang kalandian ko dahil masyado na ‘kong nagiging fuccboi demigod. Hindi naman ako demigod. Fuccboi lang. Ano ba! Sabi nang tama na e!

Balik na tayo sa pelikula. Di na ‘ko magre-review dahil sobrang late ko na. Bwisit. Ba’t ba ngayon ko lang pinanood ‘to? Gusto ko ulit manood. Hayst. Basta ang masasabi ko lang, unfair nga yung R-18 na rating n’ya. Dapat R-13 lang. Pwede pa yung R-16. Bwisit na Mocha Uson ‘yan. Namu!

Wala naman kasing kissing scene (Oops, spoiler) saka frontal nudity (Sorry, gays) sa film. Pinakamatindi na yung #MakeItHard scene sa pagitan nina Felix at Maxim. OMGEEE! Hindi ako makahinga. Feeling ko mas matindi pa ‘yon sa kissing sa Love of Siam at sa Y Tu Mama Tambien. Feeling ko lang. Basta see it for yourself na lang.

Hindi ko tuloy pwedeng isama yung kapatid kong bunso. Kung R-16 sana, baka nailibre ko pa s’ya sa sine. E di sana mas naintindihan n’ya yung pinagdaanan ko nung bata ako, nung kaedad ko s’ya. Buti nga s’ya DotA 2 lang at panliligaw ang pinoproblema. E ako noon? Jusko!

But I’m over it. And I’m so amazing right now. At mas magiging amazing pa ‘ko in the future. Hihi.

Alam mo ba? After kong manood ng 2 Cool 2 Be 4gotten, hindi ako makakain. Ganun ako kapag inspired o in love. Grabe talaga. Imagine, hindi ako naghapunan? Wala talaga akong gutom. Ganun ako ka-satisfied sa pelikula. Tapos yun lang ang inisip ko bago matulog, nung nagising ako ng madaling-araw, nung magising ako kaninang umaga hanggang ngayon.

Ayaw n’ya talagang mawala sa isip ko. I’m so in love right now.

Kaya ‘wag na ‘wag lang magkakamaling dumaan sa tapat namin ‘yang Felix, Magnus at Maxim na ‘yan. Siguradong makakatikim sila sa ‘kin. At titikman ko rin naman sila. Hihi. Ano ba! ❤

https://cinemabravo.files.wordpress.com/2017/03/2-cool-2-be-4gotten-movie1.jpg?w=500&h=262

 

Advertisements